Ang taong iyong Sandigan

361 6 5
                                    

Hatid-Sundo (2015)

-Ang Taong iyong SANDIGAN

Alien's PoV

Ganito pala ang pakiramdam na naiintindihan mo na ang lahat.

Sa una, magkakakilala kayo sa hindi inaasahang pagkakataon.

Magpapakilala siya at magkukwentuhan kayo sandali kahit na medyo nakakahiyang makipagkwentuhan sa hindi kakilala.

Maya-maya magtatawanan na lang at nagpapaluan na kayo ng balikat sa labis na kakulitan tapos malalaman mong isang grade pala ang tanda niya sa'yo at malalaman mo ring mahilig din siya sa mga hilig mo.

Mula doon, magpapalitan kayo ng numero at kahit pa ilang beses mong sinabing huwag ka ng ihatid sa bahay ninyo bigla na lang siyang susunod at sasakay din ng jeep na sinakyan mo.

Sasabihin niyang doon din ang daan niya kahit pa halata naman sa pagmamasid niya ng daan na wala siyang alam sa kapaligiran niya.

Hanggang sa ma-corner mo na siya't sabihin niyang gusto talaga niyang makipagkaibigan.

Matapos noon, sasabihin niyang ikaw lamang ang nag-iisang nagnais na makipag-usap sa'yo dahil sa estado ng kaniyang pamilya sa lipunan.

Hindi ka rin naman magtatanong dahil ayaw mo maging mapilit tungkol sa buhay ng ibang tao kaya naman sasang-ayon ka na lang at magiging magkaibigan kayo.

Mula doon, makikipagkwentuhan si sa mama mo't magugustuhan niya ito bilang kaibigan mo.

Lilipas ang mga araw na magkwekwentuhan na rin kayo sa phone at kahit sa linggo kung saan madalas kang magsimaba ay bigla na lang siyang darating sa bahay ninyo't sasabay makisimba kahit pa halata sa eyebags niya na hindi siya natulog para rito.

Hindi mo na mapapansing ilang araw, linggo at bwan na ang tinagal ng pagkakaibigan ninyo at dahil enjoy ka naman, hindi mo na iyon binibilang pa.

Hindi mo na iyon iniintindi pa.

Gayon pa man, sa bawat araw ng mga lumipas na bwan nakilala mo ang mga kakalse mong lalaki na aayaw makipagka-ibigan sa'yo maliban sa isa dahil lamang sa may accent ka at ang itsura mo'y hindi pang tao kundi pang alien—pang foreigner at iyon lamang ang alam mong dahilan nila kaya ayaw kang lapitan.

Samantalang ang mga babae ay kung makadikit sa'yo'y parang isa kang santo at masaya ka namang makipagkaibigan sa mga ito.

Parang may itinatago sila pero wala kang alam kahit pa kulitin mo ang itinuring mong best friend sa klase na isa ring tulad mo kung mag-isip tungkol sa mundo at sa mundo ng imahinasyon mo.

Prehong-pareho kayo sa larangan ng pagguhit at pagpipinta kaya nagkakaroon ka ng ekstrang pera dahil sa kaniya.

Natuto kang maging isang mabuting tao dahil sa kaniya subalit isang araw habang patuloy ang paghatid-sundo ng una mong naging kaibigan, kinuha ka ng best friend mo para inuod ng sine dahil akala mo'y wala lang talaga iyon sa best friend mo.

Tapos malalaman mo na lang na may isang CD ng kamunduhan ang ipinapanuod sa'yo at dahil nacurious ka, pinanuod mo.

Isang CD na nagsilbing simula ng lahat. Isang CD na nagsilbing pampalito sa kasarian mo.

Isang panukalang hindi na sana nangyari pa kundi gugulo ang lahat.

At nagkagulo na nga.

Dumating ang kapatid mong kakambal mo pala talaga kasama ang iyong tunay at taga ibang bansang ama, makikilala ng iyong mga magulang ang best friend mo at ang taong naghahatid-sundo sa'yo.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon