Hatid-Sundo
-14
Love or Lust
Alien's PoV
Natigilan pa rin ako hanggang sa magsalita na muli ang punong guro tungkol sa pagdating ni James.
"Siya ang nanalo sa Protege USA at ngayong narito na muli si Mr. De Mesa ay maipapakita niya na sa atin ang talento, talino at pagsisikap niya mula bukas. Masaya kong ipinaparangal sa ating lahat na ang Protege Idol na si James.." may ibinulong si James sa punong guro kaya natigilan ito tapos ngumiti siya sa akin ng bumalik siya sa kaniyang pwesto. "Imis. I mean. 'Yan daw ang gusto niyang itawag sa kaniya dahil hindi naman daw siya nagbago. Dito na siya mag-aaral sa atin at ikinararangal naman naming lahat iyon." Nagkaroon ng palakpakan dahil doon. Kahit ang totoo ay mgaguro at ilang estudyante lang ang nagagalak dahil ayaw na namin na may bagong eepel at kukuha sa atensyon ng lahat tapos maghahari-harian dito.
Ganiyan ang ugali ng buong mag-aaral dito. Kaya nga walang nagtangkang kumausap sa akin maliban kay Jes dahil na rin sa estado namin sa buhay noon at ngayon namang may pera na kami, saka lamang nila ako nagagawang tanggapin. Gayon pa man, may ilang naasiwa dahil lalaki ang iniibig ko at ang taong naghahatid-sundo pa akin noon na naging kaibigan ko ang ngayo'y naging kasintahan ko na.
Oh boy, ang daming nangyari sa loob lamang ng ilang bwan. Tapos ngayon may problema pa ako kay Nathan at sa guro namin na ngayon ay kinukulit nanaman ang kapatid ko sa pamamagitan ng maya't-mayang paghingi ng potato na paborito ng kapatid ko at si Jes din naman na inaagaw din ang atensyon ni Nathan.
"I'm here for the only love of my life. Noel Jhon McGeorge. I would like to marry you soon enough." Paano ko nga ba matutulungan si Nathan ngayong alam kong may minamahal ako at mahal din ako syempre hindi ko mapigilang palaging si Ryan ang nakikita mahal ko siya at siya lang ang mamahalin ko habang buhay. "Noel Jhon, will you marry me?"
Hinawakan ni Ryan ang kamay ko kaya naman agad akong bumaling sa kaniya at binigyan siya ng matamis ng ngiti pero hindi isang ngiti ang iginanti niya sa akin. Sa totoo lang hindi siya sa akin nakatingin kundi sa unahan. Bakit ba siya nakatingin sa unahan? Andito naman ako sa tabi niya at bakit kunot ang noo niya na parang galit na galit siya?
Tumingin din ako sa unahan at nakita kong muli si James na malapad ang ngiti sa akin.
"Syempre papayag si Mr. McGeorge. Hindi ba?" tinapunan ako ng punong guro ng masamang tingin kaya kung ano man iyong pinagu-usapan napatango na lang ako. "Ayun naman pala payag na siya." Sabi pa nito na siyang nagpatingin sa akin ng lahat.
"Pumapayag ka? Pumapayag kang magpakasal sa kaniya?" napakurap ako ng kung ilang beses sa may diing pagsasalitang iyon ni Ryan at gusto ko mang pigilan siyang huwag bitawan ang kamay ko ay hindi ko na rin nagawa dahil siya na mismo ang bumitaw ng biglaan akong yakapin ni James De Mesa at halikan ang aking labi ng wala kong pahintulot.
"Thank you. Thank you very much for accepting me Noel." Hindi ako muling nakaimik sa sinabing iyon ni James. Nakatingin lang ako sa aking minamahal na may lungkot sa mukha habang ako'y nakikiusap na huwag siyang lumayo pero napagkalibungbungan kami ng mga camera at mikropono at ininterview na kami ng kungsinu-sino.
Nasisiksik ako, Nasasaktan at hindi makahinga. Nahihilo sa dami ng halo-halong amoy at sumasakit ang mata sa mga ilaw na maya't maya ang diklapan. Gayon pa man, hindi ako pinabayaan ni James at inialis niya ako sa sitwasyong iyon. Itinakas niya ako sa Gym at magtatakipsilim na noon. Dinala niya ako sa lugar na walang tao. Yung kaming dalawa lang. Yung walang taong nagbalak puntahan noon pa man. Ang lugar na sinasabi nilang isinumpa. Ang malawak na kakahuyan sa aming paaralan.
BINABASA MO ANG
Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)
Fiction généraleAno ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba." Marami rin namang...