You're Trying too Hard

514 9 0
                                    

Hatid-SUndo

-23 Try Hard

Trying too hard again

Alien's PoV

Ano nga bang problema ngayon?

Wala. Wala naman.

Wala kung wala kang pesteng babae na umaaligid sa'yo dahil sinabi niya sa mama mo at mama niya na magpapakasal kayo tulad ng gusto nila dahil hinuhuli lang nila kayo sa tunay ninyong katauhan. That was being gay and for her is lesbian ay wala ka talagang problema.

Wala kang problema kung wala kang boyfriend na palagi mong tinatawagan pero palaging tot-too-tot ang sinasabi kapag nagda-dial ka dahil patay ang cellphone niya. Puntahan mo man sa kanila, walang sasagot sa'yo kundi iyong alaga nilang aso ay wala ka nga talagang problema

At wala kang problema kung hindi Missing in Action ang kaibigan mong tagapagligtas na Katrina ang pangalan, wala ka talagang magiging problema.

Ayan wala kang problema, wala talaga kung sa araw-araw pagpasok mo sa school ay palihim kang kikindatan ng guro mo tapos panay ang hawak sa kamay mo ng bestfriend mo kung walang ibang taong nakatingin.

See? Wala akong problema dahil meron akong mga problema.

"Kainis." Sino bang hindi maiinis. Parang lahat na ng problema itinapon sa akin. At bakit nga ba sa dinami-dami ng pwedeng mahalin ay iyong tao pang hindi binibigyan ng importansiya ang pagmamahal mo sa kaniya?

"Drama again brother?" parang nag-impis ng palda ang ginawang pag-upo sa harapan ko ni Nathan ng sabihin iyon. Nasa Canteen kami at tulad ng dati inis pa rin ako tuwing lunch break.

Kung dati'y may kinasasabikan ako, ngayon bigla na lang nawala.

Oh boy, kundi ka ba makakasapak kahit na ayaw mo ng brutality, ewan ko na lang.

"Drama? Huh, sino bang hindi maiinis. Magkaroon ka ba naman ng boyfriend na sinabing hindi niya ako mahal. Nakakatanga pa, alam kong nagsisinungaling siya! Tapos ilang araw ko na siyang hinahunting, hindi ko naman mahapuhap ng mata." Inis na inis ako. Alam na din ni Nathan ang tungkol kay Jewel pero minabuti niyang hindi na muna pansinin iyon.

"Sinabi ba niyang hindi ka na niya mahal?" tanong niya na medyo natatawa lang. Timang.

Hindi ko naman napigilan ang kalungkutan at pakagat na noon si Nathan ng burger niya ng makita niya akong natigilan at halos tumulo na ang mga luha. Ibinaba niya ang hawak niya at hinawakan ako sa balikat.

"Sorry sa tanong ko pero paano kung may dahilan siya. Parang sa telenobela na may kapalit ang lahat ng ito. Paano kung Yakuza pala ang pamilya niya at pinagbabantaan nila ang buhay mo? At kung hindi siya sumunod ay sasaktan ka. Posible yun 'di ba?" nakakatuwang pinapagaan niya ang loob ko pero iba pa rin eh. Pakiramdam ko may nangyayari.

Nangyayari ang nasa isip ko dahil hindi mangyayari ang nararamdaman ko kundi nangyayari na. At kung ano man iyon, dinadalahan na ako ng kilabot sa aking katawan.

"Hindi siya taga Japan para magkaroon ng Yakuza, walang problema ang pamilya niya at hindi naman siya mahirap para sabihing may mga pagkakautang siya at ako ang magbabayad para hindi niya ako layuan." Napailing na lang si Nathan sa sinabi ko. Iniisip siguro nito na ang lawak ng imahenasyon ko.

Natapos kaming kumain ng mapayapa.

Pasalamat na lang ako at hinihintay daw si Jes sa gate ng nakakatanda niyang kapatid. I never knew who he is but I know he has two siblings. Patayo na sana kami ni Nathan ng mabitawan niya ang bag niya at napatulala siya sa kung ano mang nasa likuran ko. At dahil normal lang ang ganito sa mga tao, napalingon ako.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon