Si Jerwin at ang kanyang nakaraan

183 7 1
                                    

Hatid-Sundo

-Isang Araw lang

Si Jerwin at ang kaniyang nakaraan

Jerwin's Pov

[Kung maibabalik ko lang ang dati di na kita bibitiwan pang muli. At ipapadarama ko sa iyo na mahal kita, ara-araw, araw araw. Ngayon ikaw ay nasa piling niya at ngayon ako'y nagsisisi na. Ngunit walang magawa kundi ang humiling na lang na sana..

Oh Dyos ko, isa araw lang ang hinihingi ko. Isang araw lang naman, pagbigyan mo na ako. Ibigay mo na sa'kin to at maramdaman muli at marinig muli na mahal niya rin ako.

Pinagmamasdan na lang ang mga larawan ng ating nakaraan. Hindi maiwasan na masaktan, wala ka na, wala ka na. Ngayon ikaw ay nasa piling niya at ngayon ako ay nagsisisi na. Ngunit walang magawa kundi ang humiling na lang na sana..

Oh Dyos ko, isang araw lang ang hinihingi ko. Isang araw lang naman, pagbigyan mo na ako. Ibigay mo na sa'kin to ng maramdaman muli at marinig muli..

Oh Dyos ko, isang araw lang ang hinihingi ko. Isang araw lang naman, pagbigyan mo na ako. Ibigay mo na sa'kin to ng maramdaman muli at marinig muli..

Ng maramdaman muli at marinig muli na mahal niya rin ako.

Na mahal niya rin ako...]

Nagpalakpakan ang mga tao, ngumiti lang ako. Ramdam nila ang nararamdaman ko at hindi ko naman sila masisisi sa nararamdaman ko ngayon. Iisang tao lang naman ang pinag-aalayan ko ng kantang ito. Walang iba kundi si Noel Jhon. Ang matalik kong kaibigan na pinangakuan kong hindi ko iiwan, hindi ko hihiwalayan hanggang mauwi ang isa sa kamatayan.

Narito rin siya ngayon para manuod subalit nasa pinakasulok. Nakatingin sa akin at walang kasama. Hawak ko pa rin ang aking gitara at ngumingiti sa kanila pero walang kwenta ang lahat ng ito dahil hindi ko magawang hawakan ang puso ng taong mahal ko. Gusto kong maging sakim pero ayoko siyang saktan kaya nagiging masokista ako sa pagmamahal ko sa kaniya.

Bakit ba kasi sa dinami-dami ng pupwedeng mahalin isang tao pang nakalimot sa aming nakaraan at nagmamahal na ngayon sa ibang tao? Bakit kay Noel pa ako umibig ng husto at hinayaan ko siyang sumiya sa piling ng iba?

Tingin mo kung hindi siya nakalimot, magiging maligaya siya sa piling mo? Isa kang myembro ng mga mamatay tao at isa siyang biktima ng isa mo pang kababata. Tingin mo maayos lang siya? Tingin mo pupwedeng maging kayo kahit na masamang tao ka?

Tama, bago ko pa makilala si Noe isa na akong anak ng Yakuza member sa Japan. Gumagawa kami ng mga iligal na gawain. Pumapatay ng mga tao at kumukontrol sa pamahalaan, nagtatago sa anino ng mga kumpayang itinayo namin para maging ligal lahat ng trabaho namin. At lahat ng iyon sinabi ko noon kay Noe para maging mabuti kaming magkaibigan at dahil sa kabutihan ng kaniyang puso, binalewala niya ang lahat ng iyon at kinaibigan niya ako. Isang pagkakaibigang inakala kong tatagal.

Tumagal lang ng isang taon ang pagkakaibigan naming iyon hanggang sa pabalikin ako ng Japan at doon ipinakilala sa akin ang tagapagmana ng aming Yakuza na babantayan ko. Akala ko noon babae si Kou dahil Kou-bochan ang tawag sa kaniya ng lahat at sa maikli niyang buhok na tuwid pati na ang bangs ay napagkamalan ko siyang babae at kailangan kong protektahan. Naroon na ako sa japan ng mabalitaan kong nagtatrabaho ang ina ni Noel sa mga De Mesa at ang pamilyang iyon ay madali naming napapaikot sa mga palad namin ngunit ang hindi ko alam ay ang katarantaduhang ginawa ng binatang anak ng babaeng De Mesa kay Noel Jhon.

Sinubukan kong umalis ng malaman ko iyon pero si Koudaizen o Kou Tachibana ay itinakas ng mga masasamang tao ng mga sandaling iyon kaya kailangan naming rumesponde kaagad at dahil mga bata pa kaming magkakapatid walang nag-isip na pupwede kaming maging isang mamamaslang. Ako, si Jestoni at si Jewel ang naging alas ng mga Tachibana laban sa isang buong grupo ng Yakuza na binubuo ng kulang pitompu't-siyam na katao kasama na ang kanilang boss at mga apo nito.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon