Hatid-Sundo
-15 living Hell
Ang nararamdaman ng magkapatid
Alien's PoV
Makukulong si Ryan? Makukulong ang taong mahal ko? Makukulong siya dahil lang sinaktan niya itong si James na inalipin ako? Hindi ba pwedeng ginawa niya yun dahil sa pagmamahal niya sa akin? Bakit ba ang kikitid ng utak ng mga tao? Bakit ba ganito ang biglang nangyari sa amin ni Ryan?
Oh boy. God, please help us.
"No need. Hindi niya na kailangang makulong pa. This is just Jealousy. May gusto pala siya sa magiging asawa ko." Inakbayan ako ni James at dahil sa takot ko sa kaniya, hindi ko nagawang alisin yun. "'Di ba babes?" Nakayuko ako. Wala akong ibang magawa. Gusto kong umalma at sabihing hindi totoo iyon dahil si James ang dahilan ng panunutok ng mahal ko pero sa sobrang takot ko sa pwedeng gawin ng pera niya sa aking minamahal... tumango ako.
"Kung 'yan ang gusto mo. Sige na Mr. McGeorge, makakauwi na kayo. Hinihintay ka na rin ng kapatid mo." Agad akong napatunghay doon at nakita ko nga si Nathan na gusto na rin akong agawin mula kay James pero hindi ko rin nagawang tumakbo papunta sa kaniya dahil hinigpitan ni James ang akbay niya sa akin.
"It's fine. I'll just take him home. I want to spend my first night with my soon to be husband." Gulat akong tumingala kay James at nakita kong buo pa rin ang kaniyang ngisi.
Narinig ko na lang ang isang malakas na THUD at ng lumingon ako ay naihiga na ni Jes si Ryan sa damuhan at hawak naman ng kapatid kong si Nathan ang mga kamay nito sabay sabi na, "Kalma lang. Akong bahala." Nagtaka ako doon pero ilang sandali lang ay hindi na kumikilos si Ryan.
Tumayo ang kapatid ko at lumapit sa amin.
"Can I talk to him for a sec?" tanong niya kay James na agad naman iyong tinugunan ng pagalis ng braso niya sa balikat ko at ang paghakbang ko papunta sa kaniya.
Tumingin pa sa likod si Nathan habang naglalakad kami tapos naka-akbay niya akong dinala sa pinakamalapit na banyo.
"Magpapalit tayo. Hindi siya makakahalata at pagkakataon mo na ito para kausapin si Ryan." Agad niyang sabi sa akin habang nagaalis siya ng pang itaas niya. "Ano pa bang hinihintay mo?" tanong niya pa pero umiling ako.
"H-Hindi na. Ma-mahahalata niya. A-Ako ang kailangan niya. Ako ang... ako ang.. slave niya, six years ago." Nakayuko ko iyong sinabi at agad niya akong sinigawan.
"ANO!!!??!! Anong karapatan niya para gawin sa'yo yun?!! Tanga ka ba? Paano niya nagawa yun? Bakit niya ginawa yun?!! BAKIT KA PUMAYAG!!!" Iyan ang sunod-sunod na tanong niya sa akin na sinagot ko lang ng iyak. "Man, nakakainis ka. Kung kelan kita nakilala ngayon ko pa malalaman na di ka na virgin? Sa sarili kong lalaking kapatid ko malalamang six years ago, may nakatalik na siya. E mas makiri ka pa pala kay papa!" doon ako nainis at sinagot na siya.
"Wala kang alam! Wala ka dito! Kayo ni papa!!! Kung andito kayo, hindi kami mangungupahan ni mama. Hindi ako matitipuan ni James, hindi niya ako gagahasain at lalong-lalong hindi ako maaksedente at makakalimutan ang kahayupan niya!" lahat ng galit ko isinabog ko na sa lahat ng salitang iyon habang muling umagos ang aking luha. Ramdam niya na nasasaktan ako.
Magkapatid kami at higit sa lahat pareho kami ng pinagdadaanan. Oh boy, bakit ganito ang kapalaran namin. Nathan Jones was raped by the man in the street back in Scothland that's why they come here pero nito lang yun. Ako six years ago na kaya mas maganda pa ang nangyari sa kaniya dahil isang beses lang yun, habang ako... paulit-ulit. Nakakadiri at nakakasuka pero wala akong nagawa.
"Wala akong nagawa. Kailangan kong tiisin dahil kay mama pero wala ring nangyari! Nalaman ng mama niya at ng malaman din ng mama ko, kusa kaming umalis kahit na binaliktad ni James ang lahat at pinalayas kami. Gayon pa man, pinaalis ng mama niya si James at pinapunta ng ibang bansa. Nakakatanga Nathan. Nakakabwisit dahil naaksedente ako pagkatapos naming umalis. Napagtripan ako ng mga lasenggo at pinukpok ng bote ang ulo ko dahilan para malimutan ko na may kapatid at ama ako at lalo na ang tungkol sa nakaraan ko kay James at sa kasarian kong ito! Kung hindi ito itinago ni mama, baka... baka wala ka ng Noel na naabutan! Kung di niyo lang sana kami iniwan..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil niyakap na niya kaagad ako kasunod ng pagsasabi ng sunod-sunod na sorry.
"Sorry din bro. Alam kong ganito rin ang nangyari sa'yo nitong nakaraan kaya dapat hindi ko na ito ibinubunton sa'yo." Pareho na kaming umiiyak ngayon.
"Hindi. Ako dapat ang magsorry Noel. Hindi ko alam na may ganoong pangyayari. Nagkulang kami ni papa. Sorry talaga. Pero bakit ka pa rin sasama sa kaniya ngayon?" tanong niya muli sa akin.
"Dahil... kapag hindi ako sumama.. sasaktan ka niya, si mama at papa, ang isa mo pang papa, sina Jestoni at si Ryan. Malakas ang impluwensiya niya at nagawa na niyang patayin noon ang kaibigan ko kaya hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit iyon kaya sana.. hayaan mo ako dito. This time. Kakayanin ko.. pangako." Buong litaniya ko ay malungkot ang mukha ni Nathan. Alam niyang hindi ko kakayanin ito pero kailangan ko ang pagpayag niya. Dahil ang pagpayag na iyon ang magiging lakas ko para sa mangyayaring ito.
"Magiingat ka kapatid ko." Hinawakan niya ang balikat ko at tumango ako.
"Salamat." Sagot ko naman at inayos na niya ang polo niya at lumabas na kami ng banyo at pumunta kung nasaan sila.
"Ikaw na ang bahala kay Noel." Sabi ni Nathan kay James.
"Ano! Teka! Kelan ka pa bumaliktad Nathan! Ako ang boyfriend kaya bakit mo siya ibinibigay sa taong hindi niya mahal!?!!" sigaw ni Ryan pero hindi ko magawang kontrahin siya.
"Akto ba 'yan ng isang boyfriend? Sa mga nakita ko kanina, mas makakabuti sa kaniya ang lalaking 'yan kesa sa'yo na kaparehas ni Jes na basagulero!" sigaw din ni Nathan na siyang nagpainit lalo ng dugo ni Ryan at nakisabay pa si Jes.
"Tanga ka bang talaga? Hindi mo ba alam na masama ang taong 'yang kukuha kay Noe tapos ibibigay mo siya sa kaniya. Naturingan kang kapatid tapos ganiyan? Sasapakin na kita kahit kyut ka!" sigaw ni Jes at inamin na niya na nakyukyutan na rin siya sa kapatid ko.
"Gagi! Anong kyut kutkutin ko yang anit mo eh! Kabwisit ka!" sigaw din niya dito pero bago pa magkaabot sa puntong si Nathan naman ang makaaway ng dalawa ay nagsalita na ako.
"Matagal ko ng mahal si James. Ginamit lang kita Ryan. 'Yun ang totoo." Iyon ang biglang lumabas sa bibig ko na siyang nagpatigil sa kanilang lahat na nakikinig.
Please kumagat ka mahal ko. Hindi ka pwedeng madamay dito. Hindi ka pwedeng masaktan ng taong ito.
"Ha! Ganun? Wow naman. Panakip butas? Ha. Ha. Walang hiya pare, nagago lang pala tayo ng taong yan eh! Ganun pala siya? Akala ko totoo ang lahat tapos malalaman kong.. wow. WOW TALAGA!! Ako na ang tanga na umibig sa'yo! Kahit si Jestoni tanga din dahil minahal ka! E DI WOW! NALOKO MO KAMING LAHAT!!!" sigaw sa akin ni Ryan.
Gusto ko ng maiyak pero hindi pwede. Kailangan kong tibayan, kailangan ko siyang ipagtabuyan.
"Sorry na lang ha." Sabi ko at lalo pang lumapit kay James. "Siya ang una eh." Yumakap pa ako sa braso ni James at nakita kong napangisi siya. "Siya lang at wala ng iba." Sabi ko pa na nagpa-walk out na kina Ryan. Napailing na lang si Jes na sumunod dito.
"Ano pang hinihintay n'yo? Tapos na ang palabas." Sabi naman ni Nathan at umalis na rin kami doon.
Sumakay ako ng kotse ni James at kung ano mang mangyari sa akin sa hinaharap, bahala na. Sa loob pa lang ng kotse hindi na siya makatiis at nagagawa na niyang halikan ang leeg at pisngi ko.
"Please James. H-Hindi ko kaya... Pa-Para sa akin.. bago pa lang ito. Nakalimutan ko ang lahat dahil sa aksedente so please bear with me a little?" paki-usap ko sa kaniya na pinagbigyan naman niya.
Walang nangyari sa amin ng gabing iyon. Niyakap lang niya ako magdamag pero alam ko, magiging marahas na siya sa mga susunod na araw. Kaya narito pa rin ang kaba sa aking dibdib. Gayon pa man, ang pinakanakakapagpakaba sa akin ay ang pangyayaring magkikita kami muli nina Jestoni at Ryan sa pic-nik at sa kasamaang palad kasama si James sa lakad na ito.
BINABASA MO ANG
Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)
General FictionAno ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba." Marami rin namang...