Sinehan

2.1K 42 7
                                    

Hatid-Sundo

-02

Sinehan

Alien's PoV

Byarnes na ngayon. Dati kapag byarnes magpapanggap akong may sakit para hindi makapasok pero simula noong sabihin sa akin ni Ryan na manunuod kami ng Sine o Concert kapag pumasok ako ng byarnes palagi na akong pumapasok.

Sasabihin ko sa kaniyang ngayong sabado gusto kong manuod nung Samurai X movie. Yung kay Kenshin Himura. Ang astig ng bida tapos action pa talaga at hindi mawawalan ng dugo. Hindi naman talaga ako takot da dugo. Ayaw ko lang makakita ng bugbugan sa mismong aking harapan. Mas mabuti pang manuod ako ng patayan sa anime o sa mga movies dahil hindi ako apektado sa mga ganoon, pero ibang usapan na kapag totoong nasa harapan ko ang dalwang taong halos magpatayan.

"Alien, bumaba ka na at kakain na." Si mama Ana iyon.

"Opo Ma, Aayusin ko lang itong buhok ng pogi mong anak." Natawa ako sa sinabi ko. Magtaka kaya si mama dahil sa sinabi ko? Ako lang naman ang anak niya pero minsan parang iniisip niyang may kakambal ako o kapatid. Ewan ko ba. Ramdam ko rin na parang hindi lamang ako ang nag-iisang anak sa aming munting pamilya.

At kapag sinabi kong pamilya, ako iyon at si mama.

"Ano ka ba naman Alien. Huwag mo ng ayusan yang kapatid mo at bumaba ka na dito." Hala? Naniwala.

"Oh Boy, Ma naman. Niloloko ko lang kayo, tinakot n'yo na ako. Wala akong kasama sa taas. Ako lang naman anak nyo na gwapo 'di ba?" agad na akong tumakbo pababa ng hagdan dahil na rin sa takot at agad akong yumakap sa aking nag-iisang ina.

"Sus, syempre naman ikaw lang ang anak ko." Hindi ko alam kung para kanino yung sinabi niya. Para ba kumbinsihin ako o para kumbinsin ang sarili niya. Ramdam ko kasing may itinatago si mama dahil sa lungkot ng boses niya.

Baka nga may kakambal ako at nakikita yun ni mama? Hindi kaya....

... may third eye si Mama?

"Hoy maupo ka na dito kung ayaw mong pingotin ko pa yang tenga mo." Agad akong naupo dahil sa sinabi niya. Kahit kasi masama akong kaibigan, may takot pa rin ako sa mga lumikha sa akin at syempre mayroon din akong 'di matatawarang pagmamahal para sa aking ina.

"Ma naman. Baka mabawasan kagwapuhan ko nun." Natawa lang siya sa sinabi ko. Siya lang naman ang naniniwalang gwapo ako, nag-iisa ko kasing tagasunod iyang si mama at suportado niya ako sa lahat ng bagay. "Ma, san si Ryan? Bakit wala pa siya?" tanong ko kay mama habang sumusubo ng kanin.

"Himala nga't wala pa yung manliligaw mo." Napaubo ako sa sinabi ni mama. "Oh, kitams. Halata sa reaksyon mong may posibilidad ka. Nak, kelan mo siya sasagutin?" Pangungulit pa niya at ipinatong ang mga siko sa lamesa para lang magtaas baba ng kilay sa akin habang nakahalumbaba.

Isa rin ito sa mga gawain niya, ang pagmukhain akong babae kesa isang lalaki. Gayon pa man, mahal ko si mama kaya uminom muna ako ng tubig bago ako sumagot sa paratang niya.

"Ma naman! Oh boy, hindi ko siya manliligaw. Isa pa pareho kaming lalaki oh! Gwapo ako ma! Gwapo! Hindi ako chicks." Si mama naman ang nag-ikot ng kaniyang mga mata dahil sa sinabi ko. Sa kaniya nga talaga ako nagmana.

Bagets na bagets talaga itong mama ko. Mukha pa rin kasi siyang nasa twenties kahit na matanda na siya. Seventeen na ako at nineteen siya ng ipinanganak niya ako. Bata pa talaga yang si mama at kahit siguro mag fifty-four na yan, bagets na bagets pa rin ang magiging pakitungo niya sa lahat.

"Sus, Cute ka. Dun ka na lang anak huwag sa gwapo, masyadong delekado." Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero hindi na ako nagtanong at kumain na lang kami ulit.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon