General Fiction

132 6 0
                                    

Hatid-Sundo (2015)

-General Fiction

Alien's PoV

Naalala ko na. Ganoon na nga ang nangyari, dapat nagagalit ako ngayon kina Ryan at Nathan pero hindi iyon madali. Hindi iyon tama. Wala silang kasalanan dahil ako naman ang dahilan.

Oh boy, ako ang dahilan.

"Noel, Noel. Mom Dad! Gising na siya!" sigaw iyon mula sa kapatid kong si Nathan. Kita ko kung paano siya malungkot, magulahan, mag-alala at mamuo ang mga luha sa kaniyang mga mata habang ako'y nakatingin lamang sa kawalan at iniisip pa rin si Jullian.

Ako ang umibig kay Jullian ng hindi man lang inaalam kung ano talagang gusto niyang gawin. Hindi man lang kami nakapag-usap kung gusto namin ang isa't-isa. Pero ngayon naalala ko na.

"Naalala ko na." Bulong ko na nakatingin kay Nathan.

Nagtataka siya sa sinabi ko. Nangangamba pero hindi na hinayaan ng pagkakataon na makapagtanong siya. Gustong-gusto niya akong tanungin ng sandaling iyon pero hindi niya nagawa pa dahil sa pagdating ng mga doktor.

Dumating na rin ang mga magulang namin kasunod ng mga doktor at mga nurse. Nakita kong umiiyak din si Nathan pero naroon na ang gulat dahil sa sinabi ko. Kasalanan ko naman talaga, ako ang dahilan kung bakit nila ginawa ang lahat ng ito. Ako ang dahilan kung bakit naisip nilang gawing makatotohanan ang lahat ng bagay na gusto ko.

Ginawa nilang palabas ang buong buhay ko dahil ito an g gusto ko.

"Katulad ito noong huling palabas na napanuod nating magbabarkada, liban na lang sa may sakit ako't naalala ko na ang lahat. Magkahiwalay pa rin naman kami ni Ryan kaya magaling kayo sa laranggang iyon. Ginawa ninyo ito ni Jerwin dahil mahal ninyo ako. Pero....

Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa kayo."

"Noel, sandali. Tumawag si Ryan sa akin noong bigla ka na lang nawala ng isang buong araw at bumalik ng iba na nag kulay ng buhok mo." Tiningnan ko lang ang kaliwang parte ko kung saan walang sinuman ang naroon, ayaw kong makinig sa kaniya.

Bakit pa ako makikinig? Alam ko na ang lahat. Walang pagmamahal sa akin si Ryan, si Nathan talaga ang mahal niya, may nangyari pa nga sa kanilang dalawa na kung hindi dahil kina Cloe at Jullian, hindi mangyayari.

Ginawan noong dalawa ng pabor si Ryan pero sa maling paraan, kahit ganoon, si Nathan pa rin ang mahal niya't hindi mag-iiba iyon.

Sa simula pa lang hindi na ako ang dapat makinabang. Nakuha na ni Ryan ang gusto niya kay Nathan at kung nagpakatanga pa ako, baka ka pati ako ay nakuha na rin niya.

Pero bakit hindi niya ako pinilit noong mga sandaling kami lamang dalawa ang magkasama?

Dahil ba si Nathan talaga ang mahal niya? Dahil si Nathan ang natikman niya?

Siguro... siguro nga.

"Noel, mahal ka talaga ni Ryan. Totoo ang pagmamahal niya sa'yo noong nagsimula kami ng palabas na ito. Totoong dukot bulsa siya ng mga panahong iyon. At totoo lahat ang ginawa niya, sinabi niya sa akin noong nawala ka na mahal na mahal ka niya kaya sana—"

"Tama na Nathan. Alam ko namang wala ng makakamtan pa sa mga kalokohang ito. Naalala ko ng lahat Nathan, napagtagni-tagni ko na. Hindi mo na kailangang guluhin pa muli ang aking puso." Hindi na nagsalita pa si Nathan, umiiyak na rin si papa habang nakayakap siya mula sa likod kay mama Anna at sa batok nito nakalagay ang noo niya. Hindi naman makatingin sa akin si mama na parang nasasaktan din sa pag-aaway namin ni Nathan. "Sinabi mo noong hindi magagawa ni Ryan ang gusto niya.

Sabihin mo nga Nathan, ang kagutuhang iyon ay ang mahalin ka ng tapat hindi ba?"

Halos magmaka-awa ako sa paraan ng pagkakasabi ko noon.

"Noel..." mag-asawang sampal ang naramdaman ko matapos niyang banggitin ang pangalan ko at mula iyon sa aking ina. "Mom."

"Stop this nonesense Noel Jhon McGeorge!" nahapahawak ako sa magkabila kong pisngi at tumingin ako ng may takot at pagtataka sa aking ina. "Anak naman, bakit ba ayaw mong maintindihang hindi ito kalokohan? Seryosong bagay ito. Hindi man namin maipaliwanag ng maayos sa iyo, seryosong bagay ito!"

Nakatingin lang ako sa kaniya ng ilang sandali pa saka ako muling tumingin sa kawalan. Boy, parang magkaibigan na nga yata kami ng kawalan.

"Son, we want you to be happy. We did those to make you see what it is there to be seen. We need you to find out."

"What if I don't want to find out?! Darn it Dad, I'm not brave enough! You make me a coward when you all tell me that mafia is true, then it's not then I'll find out that this is all because of my lover Jullian. This is because of me because Nathan want's to protect me from Jullian." I try to get up but I can't so my voice take me higher with all of this explaining that was frustrating. "Jullian wants my body not my love and he's with Cloe! Cloe is cheating on Sir Matt. Dad, this was fucked up! Hindi ko maintindihan kung bakit ako nageengles sa harapan ninyo pero tang—uh, nakakapamura lang talaga na sa umpisa pa lang wala ng nagmamahal sa akin. Si James halos phsycothic dahil may mahal naman talaga siya at hindi ako iyon. Si Jerwin nakikipagpaligsahan lang siya kay Jullian tulad ng dati. Si Ryan,... God, si Ryan ay nagmamahal sa'yo, Nathan."

Nanginginig ang labi ko, nangigninig na ang boses ko, nanginginig na rin ang kamay ko ng hawakan ko ang mga labi ko. Nasasaktan ako, nagseselos, nagtataka; wala akong karapatan sa kahit na ano sa simula pa lang. Kahit lang ng ito kasalanan ko, ginusto ko, hiniling ko; wala akong magawa dahil ilusyon lang ang lahat ng naging buhay ko para rin sa kaligtasan ko.

Pabaling-baling na ako ng mukha, iniibang dereksyon ko rin ang tingin ko. Nangiginig pa rin ako't tumutulo na ang mga luha ko. Kita ko rin kung paano ako sabayan ng aking ina na ngayon ay yakap ng aking ama na siya namang natapos ng umiyak kani-kanina lang. Lahat sila nakatingin sa akin maging ang naiwang nurse nakatingin sa akin hawak ang reacords niya na kanina'y sinusulatan pa.

Ipinipikit ko ang mga mata ko't napapailing ako. Gusto kong mawala ang sakit pero bahagi ito ng isang pagiging tao.

T@ng !na. Ito ang dahilan ko kung bakit ko ginusto ang mundo ng anime.

"Nakakatanga lang po." Pailing-iling kong sinabi habang kinakagat ko ang ibabang labi ko't makikita na sa baba ko ang kakaunting butas tanda na nagpipigil na ako ng mga luhang tuluyang bumabagsak sa aking mga mata. "Ang tanga-tanga ko dahil nakakapamura ang mga hiling ko. Wala kayong kasalanan. Kasalanan ko lahat. Mas kasalanan kong hindi ko makita ang ginugusto ninyong makita ko. Nakakapamura na wala akong magawa. Oh boy, gusto ko na lang... hindi mali. Wala na akong karapatang gumusto pa dahil siguradong gagawin ninyo iyon para sa akin.

Ito ang totoong pagmamahal.

Ito ang pagmamahal ng pamilya."

Patuloy na tumulo ang aking mga luha naiintindihan ko na.

Ngumiti ako kay Nathan.

"Ako ang personification ng General Fiction tama ba?" natawa na lang ako sa sinabi kong iyon.

Ito ang totoo, ito ang buhay ko.

Ako, kami, ang mga gumawa nito.

At sisiguraduhin kong pagkalabas ko dito gagawin ko na ang totoong nais nilang gawin ko.

Tatayo ako, at ipapakita kung sino ako.

Sana lang magawa ko ito ng higit sa inaasahan ko.

---------------------6/1/2016 4:46 PM

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon