Tunay kong pamilya

2K 28 1
                                    

Hatid-Sundo

-04

Tunay kong pamilya.

Alien's PoV

"Alien. Dumating ka na pala." Agad na bati sa akin ni Mama.

"Mano po." Sabi ko kay mama at nagmano. Lumapit din ako kay papa at nagmano kahit na may tampo ako sa kaniya'y kailangan ko pa ring manatiling magalang.

"Oh. Kaa-waan ka ng Diyos." Halos matawa ako sa pagtatagalog ni papa. Hindi naman talaga siya marunong magtagalog, nagpupumilit lamang siya para sa akin at kay mama. Akala niya siguro'y mapapatawad pa namin siya sa pag-iwan niya sa amin.

Si papa lang ang nakita kong one night stand na palaging bumibisita kapag may oras siya. Pakiramdam ko tuloy nagpapaka-ama na talaga siya.

"Pa, don't act like you need to speak in Tagalog just to impress us. We're good." Sabi ko kay papa na may halong pangiinsulto saka ako umakyat sa hagdanan. Hindi naman nila ako mapipilit na gustuhin sila, sila itong iniwan kami ni mama kaya ano pang dahilan ko para makipag-plastikan sa kanila?

Dahil sa sinabi ko, nainis si mama. Ayaw kong mainis siya sa akin pero hindi ko naman gustong makipagplastikan sa sarili kong ama.

"Alien!"inis na tawag ni mama sa akin kaya nahinto ako sa kalagitnaan ng hagdan.

"Ma, hindi natin kailangang maging plastic sa kaniya. Alam naman niyang ayaw ko sa kaniya at sa mga pinapadala niya. Tapos ano ngayon ang ibibigay niya? Isang kamukhang lalaki? Huwag na, salamat na lang." inis kong sabi at tiningnan ko pa yung kamukha ko na tumayo mula sa pagkakaupo sa kahoy naming upuan at pumamewang ng nakatitig sa akin.

"Stand down Nathan Jonnes!" nagulat ako ng magtaas ng boses si papa. Hindi siya nagtataas ng boses sa akin kapag bumibisita siya.

Natigilan ako dahil doon at ng tingnan ako ni papa agad na akong tumakbo papunta sa silid ko na may nararamdamang takot kay papa. Iginagalang ko si papa dahil kahit anong pagmamalupit ko sa kaniya'y hindi niya ako tinataasan ng boses pero dahil kanina, nagawa kong tuluyang matakot sa sarili kong ama.

Nagpalit na ako ng damit ng makarating ako sa silid ko at dahil na rin natakot ako sa sigaw ni papa, hindi na muna ako bumaba ng bahay. Humiga na lang ako sa kama at nagtakip ng kumot sa buo kong katawan.

Sino si Nathan Jones? Bakit kasama niya si papa at bakit kamukha ko siya?

Hindi ko napansing nakaidlip na pala ako. Nagising ako ng may humawak sa buhok ko. Ang sarap ng pakiramdam. Isang malaking kamay na humihimas sa buhok ko. Malambot pero medyo mabigat at doon ko naalalang hindi ganito ang kamay ni mama.

Agad akong napamulat ng maintindihan ko kung sino iyon. Bahagya din akong lumayo para matingnan siya. Dinala ko pa ang kumot sa paglayo ko at pinilit kong itago ang katawan ko sa kaniya.

"Sorry to wake you up, Noel." Parang nasaktan siya sa biglaan kong paglayo pero wala na akong paki-alam. Bakit nandito siya sa silid ko? Bakit niya ako tinatawag sa pangalan ko?

"A-Anong ginagawa mo dito?" pinilit kong tapangan ang boses ko kahit na natatakot ako sa kaniya. Dahil sa psinghal na boses niya kanina. Hindi ko alam kung malalabanan ko ba siya sa sagutan ng patas pero susubukan ko.

Ganito ba nakakatakot ang isang ama?

"We.. We're having our dinner now." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "I won't do anything I promise."

Promise?

Isang bagay na hindi ko pinaniniwalaan. Hindi ko pinaniniwalaan dahil wala namang tumutupad sa mga pangako. Nangako siya kay mama noon na babalikan niya ito pero ipinangak na niya ako't lahat wala pa rin siyang alam. Hanggang sa magpakita na lang ng sabihin ko sa facebook na anak niya ako.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon