Hatid-Sundo
-26
Ang muling pagkikita
Narration
Masaya na muli si Noel sa kaniyang buhay. Paminsan-minsan ay naalala niya si Ryan pero dahil sa mga kaibigan niya ngayon ay naging masayahin na siya. Nakalimutan na rin niya ang hindi pagkausap ng mga kaklase niya sa kaniya dahil ngayon siya ang tampulan ng kwentong kung saan-saan nakukuha ng mga kaklase niya. Hindi rin sila mapigilang palaging magpicknic sa garden sa ganda ng panahon. Sabay-sabay silang kumakain ng tanghalian at masaya lang na nagkwekwentuhan.
"Couldn't this day get any better?" sabi ni Noel habang nakalahad ang kamay at natigil sa paglalakad. Nasa likod lang naman niya ang kapatid at ang boyfriend nito na si Jestoni. Ipinaliwanag na rin ni Jes sa lahat ang ginawa ni Jerwin at dahil walang mataas na talino sa utak ni Jerwin nagpasiya siyang umalis na lang at magpunta sa ibang bansa.
Nalungkot dahil doon si Noel pero mas minabuti niyang hindi na talaga makita pa si Jerwin. Makakabuti iyon dahil may kung ano siyang nararamdaman sa loob niya kapag nakikita niya ito.
"Mr. McGeorge. May ipinabibigay pala si Trip sa'yo nung umalis siya. Nasa bag ko, ibibigay ko na lang mamaya." Tumango na lang si Noel ng hindi tumitingin kay Jestoni na naka-akbay ngayon kay Nathan habang naglalakad sila.
"Hindi ba parang ang weird na yung kapatid pa niya ang masaya ngayon na may boyfriend samantalang siya naman ang naunang magkaroon ng boyfriend." Narinig nila iyon mula sa isa sa mga matatabil ang dila na mga babae. Sila lang ang mga babaeng hindi marunong umunawa sa ganitong relasyon.
"Ano ka ba girl. Mas nakakaawa nga siya ngayon dahil yung dating nanligaw sa kaniya ay pinaalis ng paaralan. And tingnan mo may bonus nga na kamukha sa kapatid naman niya napunta." Sabi pa noong isa at tumawa yung apat.
"Yan ang napapala ng mga malalanding bakla. Naiiwan mag-isa." Parinig muli noong naunang babae.
Papatulan na sana ni Jestoni at lalampasan na niya si Noel pero agad siyang pinigilan nito.
"Hayaan mo na lang. Hindi naman ako apektado saka iyong makita kayong masaya ng kapatid ko sapat na sa akin iyon, Jes." Ngumiti si Noel kahit na hindi nila iyon nakita.
"Tss. You. Yes you imbecels! Try to make us here that once again and I will have a court trial with you five girls for your new case. Naninira kayo ng kapwa. Alam nyo bang may karampatang parusa yan? At on legal court magagawa ko yang ipasa. Walang tulong ng iba. Naiintindihan nyo ba o mas mababa pa kayo sa iniisip ko?!"(A/N: pasensiya nalimutan ni author yung tawag sa kaso na yun. Hahaha.)
Agad na nagtakbuhan iyong mga babae ng wala man lang sorry at napahawak na lang sa ulo niya si Noel. "Sa lahat ng matalino, ikaw ang pala-away alam mo ba?" bahagyang natawa doon si Jestoni pero nagthumbs up naman ito sa sinabing iyon ni Noel.
Sa wakas ay napansin din ni Noel na kanina pa hindi umiimik si Nathan kaya nilingon niya ito at nakita niyang busy ito sa pakikipagtxt sa kung sino. "Nate, bilisan na natin tapos na ang lunch break. Sino ba iyang katxt mo at parang napakaseryoso ng mukha mo?" baling nito sa kapatid.
Napatunghay si Nathan at umiling. "Kababata ko sa Scothland. Papunta daw siya ng Pilipinas para lang dalawin ako. Ipapakilala din kita sa kaniya Jes kapag dumating siya." Mahinahong sabi nito.
"Lalaki yan?" may inis sa tono ng pananalita ni Jes ng itanong niya iyon. Mukhang ayaw niyang may ibang lalaking aaligid sa taong mahal niya.
Oo, totoong mahal ni Jes si Nathan. Kahit na may pagkamapanlait itong katriplet ni Jerwin ay marunong namang siyang umibig at mag-alaga ng relasyon. Misteryo pa rin kay Nathan kung paano magmahal ang totoong Jestoni Alcala at sa dinami-dami ng iibigin niya ay si Nathan pa.
BINABASA MO ANG
Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)
Ficción GeneralAno ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang nagbabasa ng Manga at nanunuod din ng mga tinatawag nilang "Yaoi, Yuri, Trap, Shonen-Ai, Harem, Smut at marami pang iba." Marami rin namang...