Prologue

628 37 2
                                    

Vleen Xivey Villamor's point of view

"I will bequeath all my property to you," seryosong tugon ni dad.

"Sympre sa akin mo talaga ipapamana lahat ng meron ka, dad. Dahil ako lang naman ang anak mo," taas noo ko namang sabi.

"Hindi ko ibibigay sa 'yo basta-basta ang lahat ng 'yon. You need to do me a favor."

Tch! Anak niya ako, dapat ay auto bigay lahat! Bakit may kondisyon pa?

"Tell me," walang ganang sagot ko.

Unti-unti siyang ngumiti sa akin.

Parang nakakaamoy na ako ng hindi maganda.

"As soon as possible bring me your wife and child here."

What?

"Anak ng—"

"Don't curse, Vleen!"

Napahiya akong napatungo.

Fuck! Wala nga akong girlfriend!

"Tumatanda na ako at 29 years old ka na. Wala ka pa bang balak sa buhay mo? Kasi ang nakikita ko wala talaga. Ginagawa ko 'to para naman maranasan kong magkaroon ng apo at sumaya ka naman sa buhay mo. So if you want all of my money, ngayon pa lang ay gumawa ka na ng paraan." Lumapit pa sa akin si dad at tinapik ang balikat ko. "Gumawa ka na ng bata," dagdag pa niya.

Pinagpawisan agad ako sa sinabi niya.

Anak? Paano ako makakagawa non? Teka nga! Alam ko kung paano gumawa pero ang problema ko walang pag-iimbakan ng bata. Sa madaling salita saan ako makakahanap ng asawa?

Maya-maya lang ay napangisi ako sa naisip.

Okay! Pera 'to! Mga property ni dad ang usapan dito. Marami akong kilalang babae. Ang tanging kaylangan ko na lang ay makipagnegotiate sa kanila. Isang gabi lang naman, siguradong makakabuo na ako!

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon