Cadillac Ybañez's point of view
Naging maayos at masaya naman ang dalawang linggong pananatili namin ni Vleen dito sa Siargao. Plano naming umuwi sa Manila kapag 5 months na ang tiyan ko. Magpapaultrasound na kasi ako para malaman kung babae ba o lalaki ang magiging anak namin. Nakapagpacheck-up na rin ako rito, sa Surigao pa nga kami nagpunta kasi mas maayos ang mga hospital doon. Maayos ang pagbubuntis ko. Hindi naman ako nahihirapan lalo na't laging nandyan si Vleen sa tabi ko. Tuwing may gusto ako, ibinibigay niya agad. Nagpakahusband at daddy material na siya.Ang parents ko naman ay umuwi na ng Surigao. Dahil natubos na 'yung bahay at lupa namin. Sobra ang pasasalamat nina Dad at Mom kay Vleen. Si Mom kahit papaano ay nagiging panatag na rin kay Vleen.
Hindi pa nga ako makapaniwalang may totoong relasyon na kami ni Vleen. Ramdam kong hindi na trabaho ang ginagawa ko. Kasi gustong gusto ko ng maging totoo ang lahat. Masaya ako dahil unti-unti ng umaayos ang mind set ni Vleen. Kung dati parang wala siyang balak na magkaroon ng pamilya. Ngayon ay may plano pa siyang magpagawa ng bahay para sa 'kin at sa magiging anak namin. Nakakagaan lang sa pakiramdam na magkaroon ng maayos na buhay. Walang kasinungalingan at walang pagpapanggap.
Madalas na rin kaming mag-usap ni Vleen tungkol sa personal na buhay. Halos lahat naman nasabi ko na sa kanya. Kapag ako naman ang nagtatanong kay Vleen tungkol sa mga magulang niya, medyo hindi siya umiimik. Ayos lang naman saking wag malaman ang tungkol sa pamilya niya. Halata kasing komplikado ang buhay nila. Ayuko namang lagi siyang nalulungkot kaya hihintayin ko nalang na kusa niyang sabihin.
Malapit na birthday ni Vleen kaya ang iniisip ko ngayon ay kung papaano siya mapapasaya. Nagtanong pa ako kay Lilac kung anong magandang iregalo. Ang sabi niya naman handmade raw para mas maappreciate. Nagkaideya naman agad ako. Buti nalang magaling ako magdrawing, naaral ko naman na kung papaano magportrait. Ngayon ko gagamitin 'yung natutunan ko.
Nakaupo lang ako sa sala habang hawak ang phone. Nanonood ako sa youtube kung papaano mas magiging maganda ang isang portrait. Bago umalis sila Mom noon pinakuha ko muna sa kanya lahat ng pandrawing ko. Buti nalang hindi niya itinapon kaya may magagamit ako.
Wala si Vleen dito ngayon, kabonding niya ata 'yung manager nitong Villa. Kabonding sa trabaho. Kawawa naman siya stress nanaman.
Actually kaninang tanghali pa siya umalis. Hapon na pero wala pa siya kaya halatang marami silang trinatrabaho.
Nagfocus nalang ako sa pinapanood. Sinubukan ko naman magdrawing kaso dahil naninibago ako ay hindi maganda ang kinalabasan. Itinago ko nalang 'yung sketch pad ko saka nahiga. Kalahating oras din ako nagpakastress sa pagpapractice magportrait! Pasalamat ka Vleen, mahal na kita.
WAHHHHHH!
Napayakap ako sa sarili.
Kinikilig ako!
Napakagat labi pa ako nang maalala lahat ng mga napakagandang salitang sinabi sa 'kin ni Vleen. Kahit nambobola lang 'yon, kinikilig pa rin ako.
Hindi ko na napansin na nakaidlip pala ako. Paggising ko ay 7:25 PM na. Madilim na sa labas at lumalamig na. Umulan nanaman kasi kaninang umaga at tanghali. Dahil do'n malakas ang alon sa dagat kaya hindi na ako nakakalabas pa. Feeling ko mabubulok na ako rito.
Tumayo ako at nagsimulang lumingon lingon sa paligid. Hindi ko naman nakita si Vleen. Parang hindi pa ata umuuwi.
Sinubukan ko siyang tawagan kaso hindi sumasagot. Nagmessage nalang ako at sana naman magreply agad.
Hinihintay ko siya kasi gusto kong sabay kaming kumain. Ang masama lang gutom na gutom na ako! Kaya kahit wala pa siya, kumain na ako. Dahil wala akong makausap si baby nalang ang kwinentuhan ko ng kung ano-ano.
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
RomanceWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...