Chapter 14

246 31 2
                                    

Vleen Xivey Villamor's point of view

Nakauwi na kami sa Manila, balik normal nanaman ang lahat. Nandito ako ngayon sa condo ni Briar, katatapos lang ng trabaho ko. Hindi ako dumiretso pauwi dahil trip kong kausapin 'tong si Briar tungkol sa kanila ni Pearl.

May nakaharap saming whiskey na kanina pa niya nilalagok. Habang ako nakatingin lang sa kanya.

"Nagconfess ako sa siargao," pauna niya.

Kahit hindi ko tanungin 'yon, alam ko naman.

"Anong nangyare pagtapos nang confession mo?"

Ngumisi siya sa 'kin at tatawa-tawa pa.

Baliw na 'tong kaibigan ko!

"Rejected!"

Aray! Ang sakit siguro no'n. Sa totoo lang sinabihan ko na 'tong si Briar na wag magkagusto kay Pearl kaso ang kulit.

Una kong nakilala si Pearl dahil classmates kami noong 1st year highschool. Si Briar naman ay classmate ko noong college. Naging magkaibigan kaming tatlo at hindi naman ako nagsisisi do'n.

"Sakit ba?" tanong ko pa.

"Gago! Ano ba sa tingin mo masarap masaktan?" inis nitong tanong pabalik.

Sumilay ang nakakalukong ngisi sa 'kin nang maalala ang nangyare samin ni Cadillac.

'Yon lang ata 'yung masakit na masarap. Hahahaha!

"Baka hindi pa handa si Pearl," pag-iba ko nalang.

Umiling-iling siya.

"Handa na 'yon Vleen, sa edad nating 'to ayaw pa niyang pumasok sa isang relasyon? Ang sabihin mo ayaw talaga niya sa akin."

"Sinabi na niyang ayaw niya sayo?"

"Obvious naman sa kanya! Ang sabi pa nga niya layuan ko na raw siya."

"Yan na nga ba ang sinasabi ko. Nakakasira ng pagkakaibigan 'yang ganyang pagmamahal bro!"

"Hindi ko kasalanan!" sigaw niya sa 'kin.

Imbes na matawa ay nakaramdam ako ng kaunting awa sa kanya. Ayuko namang sisihin si Pearl, dahil ayukong may kampihan sa kanila.

"Kausapin mo ulit siya," seryoso kong suhesyon.

Napahawak siya sa noo niya at minasahe pa 'yon gamit ang kamay.

"Ayaw niyang pag-usapan 'yon. Ang gusto niya bumalik kami sa dating turingan 'yung kaibigan lang. Gusto niyang mawala 'tong nararamdaman ko sa kanya. Ano bang akala niya sa feelings ng tao? Ganon ganon nalang?"  giit niya.

Napabuntong hininga ako.

Hindi ako magaling magcomfort kaya hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.

"Respetuhin mo nalang desisyon niya Briar."

"Sa bagay wala naman na akong magagawa. Kung ayaw niya sa 'kin, ayos... lan-- Tang ina Vleen! Hindi ko tanggap!" Nagulat ako nang humagulgol siya bigla sa pag-iyak.

"Briar!"

"Hindi ko tanggap Vleen!" Kinuha pa niya ang buong bote ng whiskey at saka itinungga 'yon ng walang tigil.

"Gago bro wag ganyan!" Pinilit ko pa siyang pigilan kaso ayaw papigil.

Taena naiipit ako sa dalawang kaibigan ko! Alam kong may dahilan si Pearl kaya niya nireject 'tong si Briar. Alam ko rin ang nararamdaman ni Briar, kasi masakit talagang mareject. Naranasan ko na 'yon noong college.

"A-akala ko... pwede kami..." halos hindi na siya makapagsalita ng maayos.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon