Vleen Xivey Villamor's point of view
"Saka mo na isipin yan! Kahit ngayon lang ako naman ang isipin mo," seryosong pagkakasabi ni Dad.
"Dad look, hindi pwede," seryoso ko rin na tugon. Hindi naman siya nakaimik.
"Nakita mo ba si Jeym kanina. Nakikita kong ayaw niya 'yung plano ninyo. Hindi ganoon kabilis magmove on ang isang tao Dad. Kakahiwalay lang nila ng long time boyfriend niya. Kahit papaano may nararamdaman pa rin siya do'n. At 'yung asawa ko ngayon. Hindi ko lang siya pinakasalan dahil sa pera. Pinakasalan ko siya dahil mahal ko siya!" may diin na saad ko.
'Yung una kong sinabi totoo 'yon. Pero 'yung huli hindi! Nagsinungaling lang ako para hindi na gumulo ang lahat. Ayuko namang paalisin si Cadillac bigla para maging kami ni Jeym. Hindi ganoon kadali 'yon. Saka sayang 500k na binayad ko kay Cadillac hindi ko pa nga nasusulit 'yon tapos maghihiwalay na kami! No way! Kaylangan ko pa si Cadillac.
"Sa tingin mo ba ganoon kabilis magmahal? Magsabi ka ng totoo sa 'kin Vleen. Saan mo nakuha 'yang pinakasalan mong babae?"
Naglapat ang mga labi ko. Biglang na blanko ang isip ko.
"See! Hindi mo nga ako madirets--"
"Matagal ko na siyang kilala. She's my first love Dad. Kaya wala akong sineseryosong babae noon dahil siya lang ang hinihintay ko. And I'm lucky, sa tagal ng panahon na hindi ko siya nakita, I finally found her. Pinakasalan ko siya dahil matagal na kaming magkakilala. Pinakasalan ko siya dahil mahal ko siya. Pinakasalan ko siya dahil siya lang ang gusto kong maging ina ng mga anak ko," tuloy tuloy kong saad walang hinto, kaya halos hingalin ako nang matapos ang sinabi.
Nagpaka story maker ako ngayon!
Pasalamat ka Cadillac ipinaglalaban kita sa Dad ko!
Parang naspeechless si Dad sa kinatatayuan niya.
"Sabi mo Dad gusto mo akong sumaya diba? Ang tanggapin mo ang asawa ko ngayon ang magpapasaya sa 'kin."
Napabuntong hininga si Dad na para bang handa ng tanggapin ang pagkatalo.
"Wala naman akong magagawa dahil ginusto ko rin namang magkaroon ka ng asawa."
Napangiti ako nang sabihin niya 'yon.
"Ang ibig sabihin ba n'yan hindi mo na ako ipipilit kay Jeym?" tanong ko pa.
Tumango nalang siya.
Yes! Wagi!
"Thank you Dad!" masaya kong pagpapasalamat.
"Okay, ako na ang bahalang magpaliwanag kay Mr. And Mrs. Sanchez. Pagpasensyahan mo na rin ako sa mga sinabi ko sayo kanina. Nagulat lang talaga ako at sympre nadismaya rin dahil naistorbo ko pa 'yung mag-asawa para lang dito. Aayusin ko ang lahat, sa susunod na araw nalang natin pagusapan ang tungkol sa inyo ng asawa mo."
Pagkasabi niya no'n ay nagtungo na siya sa pamilyang Sanchez.
Medyo kinabahan pa ako sa mga nangyare. Akala ko talaga ipipilit ni Dad si Jeym sa 'kin. Buti nalang kahit papaano hindi niya pinapakealaman ang mga desisyon ko sa buhay. Kaya nga nasabi kong independent ako. Dahil lagi niya akong hinahayaan na magdecide para sa sarili ko.
Hindi na ako bumalik pa sa kinaruruonan nila. Nahihiya rin ako sa mag-asawa at kay Jeym. Halatang dismayado ang Mom at Dad ni Jeym sa akin. Isa pa may napansin ako kay Jeym. Hindi siya komportable kanina at para bang kinokontrol siya ng mga magulang. Hindi na ako magtataka kung ipaarrange marriage nila si Jeym.
Inalis ko nalang sa isipan ko ang lahat ng 'yon. Problema na nila 'yon, hindi ako mangengealam. Umalis na rin ako sa bahay ni Dad. Kalahating oras lang naman ang naging byahe ko pauwi sa condo.
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
RomanceWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...