Vleen Xivey Villamor's point of view
Nakangiti kong pinagmasdan si Cadillac. Tinutulungan niya ang Mom niya sa pagtatanim ng mga bulaklak sa bakuran. Nandito kami ngayon sa bahay na tinutuluyan ng mga magulang niya.
"Sayang nasa trabaho sina Lilian at Lauren hindi tuloy kayo nakita," wika ng Dad ni Cadillac na si Mr. Cody Ybañez. Ang pangalan naman ng Mom niya ay Leyren Ybañez.
"Sino po sila?" nagtataka ko namang tanong.
"Oo nga pala! Hindi mo pala kilala. Si Lilian 'yung kapatid ng asawa ko. Asawa ni Lilian si Lauren at anak nila si Lilac," sagot niya.
Naintindihan ko na. Ang tinutukoy niya ay 'yung mga magulang ng pinsan ni Cadillac na si Lilac. Minsan ko lang nakita 'yung Lilac.
"Ilang taon kana pala?" tanong ni tito Cody.
"29 po, malapit na mag 30." Napahawak pa ako sa batok. Namangha naman siya nang sinabi ko ang edad.
"Mukha ngang hindi ka 29, parang kaedad mo lang si Cadillac," saad nito.
Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Kasi hanggang ngayong nakalutang pa ang isipan ko. Hindi pa kasi ako makapaniwalang nagconfess na ako kay Cadillac. Napagtanto ko na ang talagang nararamdaman ko sa kanya. Masaya nga ako dahil alam kong may gusto rin siya sa 'kin. Ang kulang nalang talaga ay 'yung sabihin niyang mahal niya rin ako. Iyon nalang ang hinihintay ko.
"Bukas may trabaho na kami. Baka hindi na tayo madalas magkita kita. Ibibilin ko lang sa'yo na wag mong pababayaan ang anak ko," nakangiting wika ni tito Cody.
Akong bahala sa kanya Dad!
"Hindi ko po siya pababayaan."
Tinapik niya ang balikat ko at nginitian ko naman siya.
Nagtagal pa kami ni Cadillac bago mapagpasyahang bumalik na sa Villa. Medyo malayo ang tinitirahan ng magulang ni Cadillac sa Villa namin kaya natagalan kami sa byahe. Pero sulit naman kasi nakascore ako kay Cadillac. Paano ba naman kasi sa sobrang pagod niya nakatulog na. Ede ito naman ako yakap yakap siya habang tulog. Pasimple ko pang inaamoy siya, ang bango kasi niya! Hindi kamanyakan 'to, natuturn on lang ako sa kanya! Magkaiba 'yung manyak sa inaappreciate ang babaeng mahal.
HAHAHAHA!
"Kuya Roy," tawag ko sa driver namin. Agad naman siyang tumugon.
"Yes Sir?"
"Pwede mo bang bagalan ang pagmamaneho?"
"Sure Sir."
Gusto ko kasing masaksihan 'yung paglubog ng araw. At gusto kong magtagal kami ni Cadillac sa ganitong posisyon.
Marahan kong binuksan ang bintana ng kotse. Sumalubong naman samin ang maaliwalas na paligid. Pinagmasdan ko ang natutulog na si Cadillac. Pasimple ko pang hinaplos ang pisngi niya.
"Ganda shit..." bulong ko.
Ngayon ko lang mas nakita kung gaano siya kaganda. Nagagandahan ko naman siya noon pero hindi ko lang pinagtutuunan ng pansin. Ngayong may nararamdaman na ako sa kanya mas nabibigyan ko na ng pansin bawat parte ng pagkatao niya.
"Vleen?"
Nagising ang diwa ko nang makitang nakamulat na si Cadillac. Tinanggal ko ang pagkakayakap sa kanya at siya naman ay naupo ng maayos. Lumingon lingon pa siya para siguro tignan kung nasaan na kami. Medyo malapit na kami sa Villa.
Hinawakan ko ang kamay niya, ikinagulat naman niya 'yon.
"Anong trip mo?" natatawa nitong tanong.
Ngumuso ako.
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
RomanceWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...