Chapter 25

267 27 2
                                    

Vleen Xivey Villamor's point of view

Tatlong araw na ang nakalipas mula noong bakasyon namin sa Siargao. Maayos naman kaming nakauwi ni Cadillac. Pagkauwing pagkauwi namin pinatawag ako ni Dad pinag-usapan lang namin ang tungkol sa kompanya. Panay din ang pameeting kaya palagi akong nasa kompanya. Tuwing wala ako 'yung pinsan ni Cadillac na si Lilac ang nagbabantay sa kanya. Mabuti nalang nandyan ang pinsan niya hindi ako masyadong nag-aalala.

Ngayong araw na'to may meeting din kami. Kaso ngayon din ang araw ng ultrasound ni Cadillac. Mas mahalaga naman ang asawa't anak ko kaya hindi ako dadalo sa meeting na 'yon.

Matanda na talaga ako, umaayos na pag-iisip ko hahaha!

Kalahating oras din ang byahe papunta sa hospital. Nang makarating kami kinabahan agad si Cadillac.

"Kumalma ka lang hindi ka naman tutusukan ng kung ano," saad ko.

Humawak siya sa kamay ko.

"Hindi naman 'yon ang dahilan kaya kinakabahan ako!"

"Kung gano'n ano?"

"Iyong magiging gender ni baby."

"Natatakot kang matalo? Hahaha walang atrasan Cadillac, pag ako nanalo maghanda kana."

Akmang aalisin niya ang pagkakahawak sa kamay ko nang pigilan ko siya.

"Kapag ako nanalo dalawang taon kang matutulog sa ibang kwarto," taas kilay na saad niya.

Hindi pwede!

"Ayos lang, gagapangin naman kita...."

"Ano?"

"Wala po madam!"

Inirapan nalang niya ako.

Sana lalaki!

Sana lalaki!

Sana lalaki ang anak namin!

Sana lalaki!

Sana lalaki!

Paulit ulit ko 'yung ipinapanalangin sa isipan ko. Alam ko rin na hinihiling ni Cadillac na babae ang maging anak namin. Pero sa totoo lang kahit ano pang gender ng baby basta lumaki siyang mayaman ayos na sa 'kin 'yon.

Hahahaha!

Ibibigay ko sa magiging mga anak ko lahat ng yamang nakuha ko kay Dad. Hindi lang yaman, kahit lahat ng pagmamahal ko ibibigay ko sa kanila.

Ayukong magaya sila sa 'kin.

Ayukong iparanas sa kanila ang mga hirap na naranasan ko.

Pagkapasok namin ay bumungad agad samin ang isang nurse. Pinapunta niya kami sa isang kwarto. Naroon naman na 'yung doctor.

"Good morning Mr and Mrs. Villamor," masaya niyang pagbati samin.

May mga pinag-usapan pa kami tungkol sa pagbubuntis ni Cadillac bago niya simulan ang ultrasound. May kung ano siyang nilagay sa tiyan ni Cadillac na hindi ko alam kung anong tawag. Sympre hindi ako taong hospital! Ngayon ko lang din nakita ang bagay na'to.

May monitor din na nakalagay sa gilid. Doon makikita si baby. Nakaupo lang ako habang hawak ang kamay ni Cadillac. Kitang kita ko naman sa kanya na masaya siya.

"Iha sinunod mo ba 'yung sinabi ko sayong uminom ng 8 ounce of water at wag ka munang kumain ng marami?" tanong ni doktora.

Kilala ni Dad ang doctor na'to kaya siya ang umasikaso ng schedule namin. Tumawag naman ako sa kanya para malaman kung anong mga kaylangan gawin bago ang ultrasound. Ang sabi wag daw kumain ng marami. Ito namang asawa ko makulit, pilit na nagnanakaw sa refrigerator. Buti nalang magaling akong magbantay, ang ginawa ko lahat ng pagkain inilock ko sa cabinet.

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon