Vleen Xivey Villamor's point of view
Honestly nang malaman kong buntis si Cadillac hindi agad 'yung ari-arian ni Dad ang pumasok sa isipan ko. Kasi mas inisip ko ang magiging anak namin. Nakaramdam ako ng sobrang kasiyahan, hindi ko rin alam kung bakit. Basta ang alam ko lang masaya ako.
Ngayon pa nga lang nag-iisip na ako ng magandang pangalan kahit hindi ko pa sigurado ang gender.
Inaayos na ni Dad lahat ng kaylangan niyang ipamana sa 'kin. Kasama na doon 'yung lupain namin sa Nueva Ecija. Totoo ngang kayang ibigay sa 'kin lahat ni Dad basta magkaroon ako ng sariling pamilya.
Ngayon palang ay inaayos ko na rin ang pag-aaral ni Cadillac sa Redfield University. Kinausap ko pa 'yung isa sa mga architecture teacher na iguide si Cadillac pagpasok niya sa school. Alam ko kasing mahihirapan siyang mag-adjust.
Ilang araw na rin ang nakalipas nang malaman kong buntis si Cadillac. Sunday ngayon kaya rest day, sa monday nga wala pa rin akong balak pumasok sa trabaho. Pinaplano ko na kasi ang pagreresign ko. Nasabi ko na 'yon sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Ang sabi naman nila ay wag daw muna akong umalis habang hindi pa sila nakakahanap ng ipapalit sa 'kin. Madaming naghinayang sa malapit na pag-alis ko at madami rin natuwa kasi mawawalan na sila ng kakompetensya.
"Aray!" napasinghal ako nang kinurot ako bigla ni Cadillac sa bewang ko.
Pansin kong mas doble na ang pananakit niya sa 'kin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Palagi nga niya akong pinanggigigilan.
"Paharang harang ka kasi d'yan!" sigaw niya sa 'kin. Ngayon ko lang napansin na nakaharang nga ako sa dadaanan niya.
Umirap pa siya sa 'kin.
Hindi ko masundan trip niya! Minsan may mga gusto siyang kainin na mahirap hagilapin. Si Pearl na nga lang inuutusan kong bumili ng mga gusto ni Cadillac. Buti nalang maalam 'tong kaibigan ko, nagkakaideya na siya agad kung anong gusto ni Cadillac.
Nilagpasan ako ni Cadillac, sinundan ko siya ng tingin habang pinagmamasdan ang tiyan niya.
Hindi pa naman malaki ang tiyan niya, wala pa nga akong nakikitang pagbabago. Sympre pa 2 months palang siyang buntis.
"May gusto kang puntahan ngayon?" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa 'kin habang umiinom ng tubig.
"Magpunta nalang tayo sa mall!"
"Gagawin natin do'n?"
"Kakain, bibili tapos manonod ng sine. Pwede?" suhesyon niya.
Feeling ko plinano na talaga niya 'yan. Tutal hindi naman siya madalas makalabas, pagbibigyan ko nalang ngayon.
"Sige dalian mo d'yan para makapunta na tayo," tugon ko pa.
Pansin kong may hinahanap siya sa kusina. Kaya naman lumapit ako sa kanya.
"Nasaan 'yung blinend kong mango kagabi?" tanong pa niya.
Lagot!
"Tignan mo d'yan baka nilagay mo sa refrigerator," pasimple kong sagot. Tinignan naman niya 'yon sa ref pero naisara niya rin nang wala siyang makita.
"Saan mo ba nilagay?" tanong ko pa.
"Dito!" Itinuro niya 'yung cabinet sa kusina kung saan madalas siyang naglalagay ng pagkain niya.
Napangiwi ako.
Actually ako may kagagawan kaya nawala 'yon. Ininom ko kasi kagabi!
"Gawa ka nalang ng bago," suhesyon ko.
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
RomanceWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...