Chapter 12

288 35 11
                                    

R18+ MOST OF THE SCENES ARE NOT SUITABLES TO ALL YOUNG AND IMMATURED READERS. KUNG OPEN MINDED KA SIGE BASA LANG! AGIK! HAHAHAHAHA!

Cadillac Ybañez's point of view

12:30 PM na mamayang 1 kami maglalunch kasama sina Pearl at Briar. Si Vleen naman ay hindi ko na naramdaman mula kaninang umaga. Inaasikaso kasi niya 'yung ownership nitong Villa.

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto. Nakahinga naman ako ng maayos nang makitang wala si Vleen. Inilibot ko pa ang paningin sa buong paligid. Pero wala talaga siya.

Palabas na sana ako ng Villa nang biglang lumapit sa 'kin ang isang babaeng staff. May hawak siyang paper bag.

"Ikaw po si Mrs. Cadillac Villamor?" magalang nitong tanong.

"Ako nga."

Inabot niya sa 'kin 'yung paper bag.

Ano 'to?

"Pinapabigay po 'yan ni sir Vleen."

Kinuha ko naman sa kanya 'yon.

"Thanks, pero nasaan si Vleen?"

"Nasa office po siya ng manager. May inaayos po sila, si Ma'am Pearl at Sir Briar po pinapunta ko na rin dito para sa lunch ninyo," nakangiting sagot.

Tumango nalang ako.

Nagpaalam na 'yung staff at ako naman ay dali daling tumakbo papasok sa kwarto. Inilapag ko 'yung paper bag doon at mabilis din na lumabas ng Villa. Dapat makapunta agad ako kila Ushiro para hindi ako maabutan nina Pearl at Briar na wala sa Villa.

Hinanap ko agad ang Villa 5, buti nalang hindi malayo sa isa't isa ang mga Villa kaya nahanap ko agad 'yung Villa 5. Namataan ko naman si Ushiro na nakaupo sa labas ng Villa. Nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo at lumapit sa 'kin.

"Cadillac!"

Nginitian ko nalang siya pagkahinto ko sa paglalakad. Medyo hiningal ako sa pagtakbo.

"Nagmadali kaba papunta rito?" nagtatakang tanong ni Ushiro.

"Hindi hahaha! Ang lapit nga lang bakit pa ako magmamadali," pagsisinungaling ko.

Sumilay sa mukha niya ang ngiti. "Tara pumasok sa loob."

Naku!

"Ano kaba hindi na."

"Wag kang mahiya pamilya ko lang nasa loob."

"Ayuko rin magtagal, kasi may naghihintay sa 'kin sa Villa namin."

Nakaramdam naman siya agad kaya hindi na niya ako pinilit.

"Kunin ko lang 'yung ibibigay ko sayo," saad nito. Pumasok siya sa loob ng Villa nila. Naupo nalang ako sa upuang kahoy habang malayo ang tingin.

Hindi naman nagtagal si Ushiro sa loob. Pagkalabas niya ay masigla niyang inabot sa 'kin ang isang paper bag. Inabot ko 'yon at tinignan ang laman.

Ang dami! Panay Japanese foods nga!

"Omo! Mukhang masarap ang mga 'to," excited kong tugon.

"Panay nga ang kain ko kagabi. Sa'yo lang 'yan ah, wag kang mamimigay hahaha," pabiro nitong sabi.

Hindi ko rin naman ipapakita 'to kila Vleen.

"Thank you!"

Akalain mo naman 'yon, kanina lang kami nagkakilala nagbigay agad ng ayuda. Hahaha!

Nakangiti siyang tumango tango.

Ang masiyahin niya!

"Mauuna na ako. Salamat talaga rito Ushiro!"

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon