Vleen Xivey Villamor's point of view
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata nang maramdaman ang paghagis ng unan sa mukha ko. Bumungad sa 'kin si Cadillac na nakatayo sa gilid ng kama. Hawak pa niya ang isa pang unan na siguro ay gagamitin niya para ipanghagis nanaman sa 'kin.
Taena nito bakit ganyan siya manggising ng tao?
"8:00 AM na! May 30 minutes ka pa para mag-ayos kaya gumising kana," paalala nito. Umalis din siya agad.
Inis akong tumingin sa orasan sa side table. Tama nga siya may 30 minutes pa ako.
Kaya ayukong magkaroon ng asawa dahil daig pa magulang ko! Pero dapat masanay na ako kasi araw araw akong gigisingin nito. Good thing na rin 'yon para hindi na ako malate. Dati rati kasi ako ang nangunguna sa listahan ng mga pasaway sa trabaho.
Agad akong napaupo nang maalala ang nangyare kagabi. Napahawak pa ako sa ulo ko dahil bigla nalang akong nahilo. Dahan dahan ulit akong nahiga sa kama at pinakiramdaman ang sarili.
"Tang ina! Hindi ako nakascore!" inis kong sigaw nang maalalang inisahan ako ni Cadillac kagabi.
Imbes siya ang malasing ko ay ako ang nalasing niya! Dapat pala ay hindi ako pumayag sa larong rock, paper and scissor! Taena ako pa ata umubos ng dalawang bote!
KNOCK KNOCK KNOCK!
Halos himatayin ako nang kalampagin ni Cadillac ang pinto ng kwarto.
"Natutulog kaba pa? Gumising kana!" sigaw niya mula sa labas.
Inis kong ginulo ang buhok ko.
"Walang kwenta 'yung plano ko kagabi!" tugon ko nalang sa sarili.
Kahit masama ang pakiramdam ko ay tumayo na ako para maligo. Dinalian ko lang ang paliligo dahil nahihilo ako. Hanggang ngayon may tama pa rin ata 'yung wine sa 'kin.
"Shit!" napasinghal ako nang para bang pumipitik pitik ang ulo ko sa sobrang sakit.
Dali dali akong lumabas ng banyo. Hubo't hubad ako dahil nakalimutan kong dalhin 'yung towel sa sobrang pagmamadali. Komportable naman ako dahil palagi akong ganito noon. Wala namang nakakakita, HAHAHA!
"Walang'ya talaga! Sayang 'yung wine," atungal ko ulit habang hinahanap ang towel ko.
"Hoy Vleen! Ang sa--"
Tang ina! Hindi ko nalock 'yung pinto!
Nagkatitigan kami ni Cadillac nang bigla itong pumasok sa kwarto ko.
Sunod sunod ang paglunok nito. Sa mukha ko lang siya nakatingin habang hindi alam ang gagawin.
"Tumingala ka!" sigaw ko sa kanya. Agad niya 'yung ginawa at biglang pumikit.
"S-sorry..."
"Labas na!" utos ko at dali dali akong tumakbo papasok ulit sa banyo.
Nakita ko pa ang itsura ko sa salamin at namumula ako!
Nakita niya kaya? Langya naman!
Napapikit ako saka ginulo gulo ang basa kong buhok.
Taena, halatang nakita niya! Unti unti akong tumingin sa ibabang bahagi ng katawan ko. Buti nalang cease fire 'tong baby ko. Kung buhay lang siya kanina, kahihiyan 'yon! Napangiwi pa ako nang maalala 'yung itsura ni Cadillac kanina.
"Hindi ba marunong kumatok 'yon? Hindi purket asawa ko siya, papasok nalang siya sa kwarto ko basta basta!" wika ko sa sarili.
Hindi ako naiinis! Kasi kahit papaano nahihiya akong nakita niya ako sa ganoong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
RomanceWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...