Cadillac Ybañez's point of view
Ilang araw rin na hindi nangulit si Vleen. Kaya kahit papaano ay tumahimik ang buhay ko. Ngayon ang punta namin sa surigao del norte at didiretso kami agad sa siargao island. Kahit posibleng makita ko ang mga magulang ko doon ay hindi ako pwede magpakita sa kanila.
Napag-usapan din namin ni Vleen na next year na ako magpapaenroll sa redfield university, late na kasi kung hahabol pa ako ngayong school year ang sabi ay mahihirapan lang daw ako. Saka kung sakaling mabuntis ako ay hindi naman ako pwedeng mag-aral. Kaya ako na rin ang nagsabing next year nalang. Sinabi ko naman 'yon sa teacher ko na tumutulong sa akin na makapunta sa ibang bansa. Ayos lang naman daw na next year na ako mag-enroll.
"Ready?" Bumungad sa akin si Vleen. Dala dala niya ang mga gamit niya. Unti lang 'yon habang ako ay madaming dinalang gamit.
Sympre babae ako, marami akong kakaylanganin!
Nasabi ko na rin kay Lilac lahat ng plano ko. Sympre hindi siya pumayag pero dahil desisyon ko 'to ay kaylangan nalang niyang respetuhin.
"Nasa labas na raw sina Briar at Pearl."
Nagulat ako nang sabihin niya 'yon.
Sasama sila? Akala ko dalawa lang kami.
Pero ayos na rin 'yon, para may makausap akong matino. Kasi kung si Vleen lang ang makikita ko araw araw baka bangungutin ako.Napatawa ako sa naisip.
"Cadillac! Anong nangyayare sa'yo?" taas ang kilay na tanong sa akin.
"Wala! Nevermind!" Nagpauna nalang akong maglakad. Pagkababa namin sa building ay bumungad samin sina Pearl at Briar. Abot tenga ang ngiti ni Pearl sabay yakap pa sa 'kin.
Nailang naman ako dahil hindi kami ganoon kalapit sa isa't isa.
"Pwede ba kitang tawaging Cadi nalang?" tuwang tuwa na tanong nito.
Nickname ko naman talaga 'yon.
Dahan dahan akong napatango. Humiwalay siya sa 'kin at tinulungan ako sa mga dala.
"Dapat ikaw na bumuhat sa bagahe niya Vleen!" wika naman ni Briar.
"Kita mong may dala rin ako." Pagirap nito kay Briar.
Nag-asaran pa sila bago naisipang sumakay na sa kotse.
Bagay na bagay silang tatlo bilang magkakaibigan.
Katabi ko si Pearl sa backseat habang si Vleen naman ang nagdadrive.
"Okay naman ba si Vleen bilang asawa?" mahinang tanong sa akin ni Pearl.
"Hindi."
"Huh? Bakit?"
"Manyak siya..." bulong ko kay Pearl. Natawa ito kaya pasimpleng tumingin samin si Briar. Si Vleen ay tutok pa rin sa pagmamaneho.
"Ganyan talaga 'yan, pagpasensyahan mo na."
"Opo ate," pabiro kong saad.
"Hahaha! Oo nga pala mas matanda kami sa'yo ng apat na taon."
"Buti nga kayo ni Briar umaakto sa edad. Pero si Vleen... daig pa elementary," biro ko.
Nakakagaan pala ng loob backstab-in 'tong si Vleen.
"Hindi na nga rin namin alam ang gagawin d'yan. Mag 30 na nga 'yan, sira ulo pa rin," saad pa ni Pearl.
Tch! Tanda!
"Oo nga pala, nasabi sa akin ni Vleen na mag-aaral ka raw sa Redfield at architecture ang course mo!" dagdag pa nito.
Ngumiti ako. "Yup, and next year ko plano mag-enroll."
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
RomanceWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...