Cadillac Ybañez's point of view
Mabilis na dumaan ang mga araw. 4 months na rin akong buntis. May pagbabago na sa tiyan ko, medyo lumalaki na. Ramdam ko na rin si baby sa loob.
Bukas ay birthday na ni Vleen. Nandito ako ngayon sa kwarto, malapit ko na matapos 'yung portrait niya. Buti nalang kahit papaano ay madalas busy si Vleen. Kahit nandito siya ay panay ang utos ng Dad niya sa kanya. Kaya nagawa ko 'yung portrait na hindi niya nalalaman.
Nilock ko pa 'yung pinto ngayon para kung sakali hindi basta bastang makapasok si Vleen. Katatapos ko lang din kausapin si Mom. Tuwang tuwa nga siya sa naisip kong regalo para kay Vleen.
"Cadillac!"
Napatingin ako sa pinto. Kumakatok si Vleen sa pinto. Kinabahan naman ako dahil hindi ko pa tapos 'yung portrait.
"Wait!" sigaw ko.
Nagpatuloy lang siya sa pagkatok sa pinto. Kaya imbes na makapagconcentrate ay naguluhan ako.
"Bakit mo pa kaylangang ilock?" rinig kong tanong niya.
"Privacy!"
"Ano bang ginagawa mo?"
Paano ko ba mapapaalis 'to? Ano ba 'yan!
"Cadillac! Anong ginagawa mo d'yan?" pangungulit pa niya.
"Wag kang pumasok, ka video call ko 'yung teacher ko sa architecture noon!" saad ko.
"Bakit kaylangan mo pa ilock 'yung pinto?"
"Privacy nga! Medyo sensitive 'tong pinag-uusapan namin! Bawal marinig ng lalaki," pagsisinungaling ko.
"Ano 'yon?"
"Tungkol lang sa pagbubuntis ko, kaya pwede bang manahimik ka muna!"
"Sige dalian mo d'yan, miss na kita."
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Nagpatuloy ako sa pagdudrawing. Kalahating oras din ako nagtagal bago tuluyang matapos. Itinago ko agad 'yon sa cabinet saka lumabas na ng kwarto. Halos mapatalon naman ako sa gulat nang makita si Vleen sa gilid ng pinto. Nakasandal siya sa pader, nang mapansin ako ay ngumisi siya.
Kahating oras din siyang nandito?
"Teacher mo ba talaga?"
"Oo!"
"Baka 'yung kabit mo 'yan."
"Ewan ko sa'yo!"
"Anong gusto mong gawin natin bukas?" pag-iiba niya.
"Birthday mo ikaw magdesisyon manong."
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Bata pa naman ako!"
"30 bata?"
"Tch! Pasalamat ka mahal kita."
"So anong connect?"
Hinawakan niya ang kamay ko at walang sabing hinila ako sa sala. May napansin akong paper bag sa couch, sumenyas si Vleen na kunin ko 'yon.
Nang tuluyan kong makuha ay inilabas ko ang laman. Napanganga ako sa nakita. Dress 'yon na kulay white, plain lang 'yon. Sleveless at halatang fitted. Nagandahan ko ang design.
"Ang ganda!"
"Suotin mo bukas ah. Pupunta si Briar dito, sasabay din siya pauwi."
Napangiti ako. Buti naman makakapunta si Briar sa bithday ng kaibigan niya. Mas lalong sasaya si Vleen.
"Pero may pupuntahan tayo ngayon." Lumapit siya sa 'kin at inakbayan pa ako. "Sa alegria beach!" dagdag pa niya.
Sa wakas naisipan niya rin gumala!
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
RomanceWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...