Cadillac Ybañez's point of view
Isang walang buhay na umaga ang bumungad sa 'kin. Hindi na ako nakatulog pa dahil maagang nagising si Cadeen. Pagkababa naming dalawa ay walang bakas ni Vleen. Hindi ko rin naramdaman ang presensya niya. Sumilip pa ako sa labas at wala akong nakitang kotse.
Dahil sa inis at galit na naramdaman ay hindi ko nalang siya inalala. Ang kaylangan kong gawin ngayon ay pagtuunan ng pansin ang anak ko. Magpapakamagulang ako sa batang 'to dahil alam ko namang hindi kayang gawin ni Vleen 'yon. Hindi niya kayang maging magulang. Mas itinutuon niya ang atensyon sa mga bagay na siya lang ang sasaya.
Wala talagang makapagpapabago sa taong mukhang pera.
"Ma..ma!"
Napangiti ako nang magsalita ang anak ko. Kinuha ko ang kamay niya. May kaunting luhang kumawala sa mga mata ko pero dali dali ko 'yung pinunasan.
Naiiyak ako dahil sa inis at galit kay Vleen. Sinong matinong lalaki ang iiwan ang mag-ina niya para makipagkita sa ibang babae? Tch! Sigurado akong si Vleen ang mangunguna sa listahan ng mga lalaking tarantado!
Ginawan ko nalang ng makakain si Cadeen kaysa naman magpakalugmok dito. Matapos naming kumaing dalawa ay inilagay ko muna siya sa crib niya. Naglinis ako ng bahay, pinagod ko ang sarili ko at wala akong pakealam kung magmukha akong kaawa-awa rito.
"Cadeen wag makulit ah. Tatapusin lang 'to ni Mommy."
Sinasampay ko na ang mga nilaba kong damit ni Cadeen. Pagtapos ay tinimplahan ko naman siya ng gatas. Masigla niya 'yung ininom, nawala bigla ang pagod ko nang makita ang ngiti ng anak ko.
"Ang bait bait naman ng anak ko," saad ko habang nakatayo at pinagmamasdan siya sa crib niya. Nakahiga siya at nakatingin din sa akin.
"Maganda ba si Mommy?" mahinahon kong tanong. "Ay ayaw sumagot ni Cadeen, siguro panget si mommy 'no kaya si Daddy nakipagkita pa sa ibang babae. Tarantado talaga 'yang Daddy mo 'e! Kapag dumating 'yan dito, sasapakin ko talaga 'yan."
Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi ko.
"Basta anak paglaki mo huwag mong gagayahin si Daddy. Bad 'yang si Vleen, umalis tapos maghahanap ng ibang babae. Para lang umayos ang pakiramdam niya?" Doon na ako napaupo. Kahit itinuon ko pala ang pansin sa mga gawaing bahay ay hindi pa rin mawawala ang sakit at lungkot.
"Mahal ba talaga ako ng Daddy mo? O mahal niya lang ako dahil may kaylangan siya sa 'kin?"
Unti unting nagsituluan ang mga luha ko. Hindi ko na nagawang pigilan ang pagdaloy nito sa pisngi ko.
"Hanggang una lang ata siya. Noong una lang ata niya ako pinahalagahan. Ibinigay ko naman sa kanya lahat. Buong atensyon ko nasa kanya pero tignan mo 'yung binigay niya sa 'kin anak. Sama lang ng loob!"
Inayos ko ang sarili at dahan dahang tumayo. Bubuhatin ko sana si Cadeen nang magvibrate ang phone ko mula sa bulsa. Kinuha ko agad 'yon at nagtaka dahil unknown number ang tumatawag.
Nagdalawang isip pa akong sagutin pero baka importante ang tawag na'to.
"Hello? Sino po ito?" Inayos ko ang boses dahil kagagaling ko lang sa pag-iyak.
"CADILLAC..."
Nag-init ang pakiramdam ko nang marinig ang pamilyar na boses ng isang babae.
"Bakit ka tumawag? Anong kaylangan mo? Kung kasama mo si Vleen wag mo na pauwiin dito. D'yan nalang siya at gawin niya lahat ng gusto niya," inis kong litanya.
"HINDI KO KASAMA SI VLEEN. BAKIT? HINDI BA SIYA UMUWI?"
"Ano bang kaylangan mo? Kung wala kang matinong sasabihin tigilan mo na ako."
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
RomanceWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...