Cadillac Ybañez's point of view
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Nakatulog ako ng maayos kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Sobrang sama kasi ng pakiramdam ko kagabi. Actually noong umaga palang ng kasal namin ni Vleen, sumasakit na ulo ko. Tiniis ko nalang hanggang matapos ang kasal. Kaya natulog din ako ng maaga para umayos pakiramdam ko. Kaso nangulit naman si Vleen kagabi nakisabay pa sa sakit ng ulo ko, nahampas ko tuloy ang luko.
Tumayo na ako at napansin na tulog pa rin si Vleen. 6:35 AM na, ang pagkakaalam ko 8:30 AM siya pumapasok sa trabaho niya.
Napangiwi ako nang makita kung gaano siya kagulo matulog. Buti nalang malawak ang kama kaya kahit papaano hindi kami nagdidikit.
'Yung unan ay nakapatong sa mukha niya, habang ang mga paa niya ay halos nakababa na sa kama. Unting unti nalang mahuhulog na siya.
Aayusin ko sana siya kaso biglang pumasok sa isip ko 'yung pinaggagawa niya sa akin kagabi kaya bahala siya d'yan.
Nagpunta ako sa kwarto ko. Napansin ko naman agad na nagriring ang phone ko. Napangiti ako nang makitang si Mom ang tumatawag.
"Hello Mom!" pagbati ko.
"ANAK! KAMUSTA DYAN? MISS NA MISS KANA NAMIN."
"Ako rin miss ko na kayo Mom. I'm fine Mom don't worry."
"MAAYOS LANG BA ANG TRABAHO MO SA BAR?"
Kinabahan ako bigla.
"Oo Mom, ang bait nga nila sa 'kin. Saka kasama ko naman si Lilac," pagsisinungaling ko.
Kapag nalaman ni Mom ang trabaho ko ngayon baka ay isumpa niya ako!
"PAG NAKAHANAP NA AKO NG STABLE NA TRABAHO PWEDE KANANG BUMALIK DITO. ITUTULOY MO ANG PAG-AARAL MO."
Napangiti ako.
"Thank you Mom!"
"MAGIINGAT KA DIYAN ANAK! I LOVE YOU"
"Love na love ko rin po kayo ni Dad. Tatawag nalang ako bukas sa'yo Mom. Take care!"
Nagpaalam na ako kay Mom. Mas gumaan naman ang pakiramdam ko dahil nakausap ko siya.
Naligo muna ako bago magluto ng kakainin ko. Pagtapos na pagtapos ko mag-ayos ay dumiretso na ako sa kusina.
Sumilip pa ako sa kwarto ni Vleen. Tulog pa rin siya.
"Tulog mantika..." bulong ko sa sarili.
Napangiwi pa ako nang maalala nanaman ang pinaggagawa niya kagabi.
"Kung maayos lang pakiramdam ko kagabi baka hindi lang hampas ang gawin ko sa kanya," wika ko sa sarili.
Inalis ko nalang sa isipan lahat ng kamanyakan ni Vleen. Nagsimula na akong magluto. Buti nalang kahit papaano ay madami siyang supply ng pagkain. Good thing na marunong akong gumawa ng gawaing bahay.
Pansin ko naman na marunong maglinis ng bahay 'tong si Vleen. Kung titignan mo kasi itong condo niya ay mamamangha ka sa linis at pagiging organize nito. Hindi ko lang sure kung marunong siyang magluto.
Egg, ham at pancake ang inihanda kong breakfast. Gumawa rin ako ng garlic rice at naghanda ng hot chocolate. Habang nagluluto ay pasimple kong sinisilip ang kwarto ni Vleen. Nakabukas ang pinto kaya kitang kita ko siya at hindi kalayuan ang kusina sa kwarto niya.
"Sleepy head..." bulong ko pa.
Parang magiging maid pa ata ako rito!
Pero ayos na rin 'to dahil kikita naman ako ng 500k kada buwan. Hindi ko lang alam kung hanggang kaylan ko kakayanin na manatili sa Vleen na'to. Easy money nga kaso mukhang mahihirapan ako dahil may pagkamanyak siya.
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
RomanceWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...