Cadillac Ybañez's point of view
"Si Vleen ba umuwi?" nag-aalala kong tanong kay Reina.
"Ma'am kagabi po tumawag siya sa 'kin. Ang sabi niya pauwi na po siya. Pero mukhang hindi po siya nakauwi," sagot ni Reina.
Nagpunta ako sa labas nagbabakasakaling naroon ang kotse niya. Pero nabigo ako dahil wala akong nakitang bakas ng anumang sasakyan. Nagsimula na akong makaramdam ng kaba.
"Tawagan mo nga ang Sir mo," agad kong utos kay Reina. Sinunod naman niya agad. Nakailang tawag pa siya.
"Nakaoff po ata 'yung phone niya Ma'am," wika ni Reina.
Tumango nalang ako.
Saan kaya nagpunta yon?
Think positive lang Cadillac, malay mo nag-overnight sa kompanya.
'Yon nalang ang inisip ko. Si Reina na ang pinagluto ko habang ako ay binabantayan si Cadeen sa kwarto. Nagbilin nalang ako kay Reina na tawagan ako kapag dumating na si Vleen.
Tulog na tulog si Cadeen kaya wala akong mabalingan ng atensyon ko. Ang isip ko ay naka'y Vleen pa rin. Kahit anong kumbinsi ko sa sarili na mag-isip ng tama ay walang epekto. Nag-aalala ako na baka may nangyareng hindi maganda sa kanya.
RINGGGGGGGGG
Kinuha ko ang phone, biglang nawala ang kaba ko nang makitang si Reina ang tumatawag.
"Reina?"
"MA'AM BABA KA NA PO, NANDITO NA SI SIR VLEEN."
Agad nga akong bumaba. Nakahinga ako ng maayos nang makita si Vleen.
Buti nalang walang nangyareng masama!
"Bakit ngayon ka lang umuwi?" bungad ko.
Lumapit ako sa kanya nang hindi siya sumagot. Naamoy ko pa ang alak galing sa kanya.
"Uminom ka?" tanong ko pa.
Hindi siya makatingin ng maayos sa 'kin.
"Ano bang nangyayare sa 'yo Vleen?"
"N-napainom ako kagabi kasama ko si Briar," sagot niya.
"Paano ka papasok ngayon sa trabaho?" nag-aalala kong tanong.
Nagulat ako nang bigla nalang niya akong yakapin. Hinayaan ko nalang siyang gawin 'yon. May problema siya, sigurado akong sa trabaho nanaman. Wala naman akong ibang maitutulong sa kanya kundi ang manatili sa tabi niya.
"Alam kong stress ka nanaman sa trabaho mo. Napepressure ka ba? Kung gano'n nga ang nararamdaman mo, nandito lang kami ni Cadeen. Stress reliever mo kami diba?"
Ramdam ko naman ang bahagya niyang pagtango.
Marahan kong hinaplos ang buhok at likod niya. Matapos ay iniharap ko siya sa 'kin. Pinagmasdan ko ang itsura niya at natawa pa.
"Hindi na gwapo asawa ko hahaha!" biro ko. Pasimple naman siyang ngumiti at niyakap nanaman ako.
"Mahal ko kayo ni Cadeen. Mahal na mahal..." bulong niya sa 'kin.
"Mahal na mahal na mahal ka rin namin Vleen. Kaya wag kana mastress d'yan! Magrest ka muna sa work ngayon, ako nalang kakausap sa Dad mo."
•••
3 months later
"Anak lakad papunta kay Daddy!"
Pinapanood ko sina Vleen at Cadeen. Medyo nakakalakad na ang anak namin pero hindi pa gano'n kadiretso. Nakahawak siya sa couch habang nakatayo. Si Vleen naman ay nasa isang gilid malapit sa kanya. Nakalahad ang kamay niya para abutin ni Cadeen.
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
RomanceWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...