Chapter 30

261 22 7
                                    

Cadillac Ybañez's point of view-

Dalawang araw na ang lumipas. Si Vleen ay abala sa trabaho at gano'n din sa pagbabantay kay Briar. Isang linggo mananatili si Briar sa hospital. Hindi ko pa siya nabibisita pero nakita ko naman na siya. Nagpupunta kasi si Lilac doon at nagvivideo call nalang kami.

"Vleen kumain ka muna kaya," wika ko habang nagbibihis si Vleen. Nakasilip lang ako sa kwarto.

"Malelate na ako sa trabaho Cadillac," nagmamadali niyang tugon. Nakatayo si Cadeen sa crib, lumapit si Vleen sa kanya at hinalikan ito sa pisngi.

"Magpakabait ka anak, love you..." mahina nitong tugon sa anak namin.

Lumabas siya ng kwarto at mabilis akong niyakap. Nginitian ko nalang siya nang magpaalam nang umalis.

Kaluko talaga! Nagluto ako ng napakadami, gumising pa ako ng maaga pero hindi manlang kumain.

Kinuha ko si Cadeen sa crib.

"Tayo nalang kakain?" nakangiti kong tanong sa anak ko.

Hindi naman na ako naghintay ng sagot dahil hindi pa naman nakakapagsalita ang anak ko.

Pagdating sa kusina ay inilagay ko si Cadeen sa sarili niyang upuan. Nalungkot ako bigla nang makita lahat ng hinanda kong pagkain. Madalas ng hindi sumasabay samin si Vleen sa umagahan. Lagi niyang sinasabing malelate siya sa trabaho. Pero alam ko namang kahit malate siya ayos lang. Sa sobrang busy niya kahit sarili niya ay napapabayaan na.

Nag-iba nga si Vleen, hindi na niya ako madalas kulitin. Kung dati ang manyak niya, ngayon naman ay parang wala ng planong makascore. Hindi naman sa gusto kong maging manyak siya! Namimiss ko lang 'yung dating siya. Iyong samahan namin noong wala pa kaming anak at hindi pa siya CEO.

Ngayon kasi mas nagfofocus siya sa kompanya. May oras pa naman siya samin ni Cadeen pero para sa akin hindi sapat 'yon. Kaso ayukong magdemand sa kanya baka magalit lang siya.

Sana lang talaga hindi bumalik 'yung pagiging mukhang pera niya. Pero ramdam kong unti unti na siyang bumabalik sa ganoong klaseng tao.

Sinusubuan ko lang si Cadeen ng cereal. Gustong gusto naman niya 'yon.

"Manang mana talaga sa 'kin ang baby!" nakangiti kong wika.

"Ma...maaaaa.."

Halos mabitawan ko ang kutsara nang biglang magsalita si Cadeen. Natulala lang ako sa kanya at parang bang sasabog ang puso ko sa saya.

Nagsalita ang anak ko!

First word niya 'yon!

Kinuha ko ang phone ko at masayang nirecord si Cadeen.

"Baby anong sabi mo? Sabihin mo rin kay Daddy dali, say mama ulit...." parang maiiyak na ako sa tuwa.

Hinintay ko lang si Cadeen na magsalita ulit at para akong tatalon sa tuwa nang ulitin niya ulit ang pagsasalita.

"Ma..maaaaa?"

Natawa pa ako nang patanong ang tuno ng boses niya.

"Narinig mo Vleen? Oh diba! Ako ata ang paborito ni Cadeen hahaha!"

Inend ko ang video.

Hinalikan ko pa sa pisngi si Cadeen. Pinanggigilan ko na nga siya dahil napakacute!

"How about Dada or Papa? Baka magtampo si Daddy sayo n'yan..." pagkausap ko pa kay Cadeen. Hindi naman na niya ako pinapansin. Nilalaro niya ang sariling kamay.

Muli ko siyang pinakain habang ang isang kamay ay hawak ang phone. Isesend ko 'yung video kay Vleen para kahit papaano mabawasan stress niya. Kaso baka mas mastress lang dahil hindi 'Papa' ang unang word ni Cadeen hahahaha!

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon