Chapter 19

258 32 4
                                    

Cadillac Ybañez's point of view

Bakit parang ang init?

Iminulat ko ang mga mata. Laking gulat ko nang makitang nakayakap ako kay Vleen. Hindi agad ako nakagalaw dahil iniisip ko kung paano kami napunta sa ganitong posisyon.

Yah!

Tahimik kong inalis ang braso sa pagkakayakap sa kanya. Dahan dahan din akong lumalayo nang bigla nalang akong hilahin ni Vleen palapit sa kanya. Niyakap niya ako ng sobrang higpit na para bang hindi na ako pwedeng kumawala.

Anong trip nito?

"Hoy Vleen!" tawag ko sabay pagyugyog sa kanya.

"Hmmm?"

"Bitaw na, nagugutom na ako," pagdadahilan ko.

Hindi siya nagsalita, hindi ko naman maiangat ang paningin dahil ipit na ipit ako.

"Oy!"

"Maya," tipid nitong giit.

Napairap nalang ako kahit hindi niya nakikita.

Daming arte ng lalaking 'to! Ano 'to, gusto niya ng cuddle? Lol! Ayuko nga!

"Bitaw na!" singhal ko pa.

Kaso mas humigpit lang ang yakap niya sa akin.

"Ayaw mo?" tanong ko pa.

Naramdaman kong umiling siya.

"Ayaw mo talaga?"

"Ayaw!"

"Ah, ayaw pala ah!"

Hinanap agad ng kamay ko ang tenga niya, nang mahawakan ko naman 'yon ay buong pwersa ko 'yung hinila para malayo sa akin ang ulo niya.

"Aray naman!" atungal nito.

"Bitaw na!"

"Ayaw pa rin!"

Mas idiniin ko ang pagpingot sa tenga niya. Halatang nasasaktan siya pero ayaw pa rin bumitaw sa pagkakayakap.

"Wag mo akong saktan Cadillac!"

"Ayaw mo akong bitawan 'e!"

"Ayaw na kitang bitawan, wag kang umalis..." pahina ng pahina ang tuno ng boses niya, kaya napabitaw ako sa tenga niya. Hindi ako nakapagsalita dahil may ibig sabihin 'yung sinabi niya.

"Malapit ko ng isiping may gusto ka sa 'kin," seryoso kong saad.

Bigla siyang napabitaw sa pagkakayakap sa 'kin. Agad din siyang napabalikwas ng bangon. Nagtaka naman ako sa mga ikinikilos niya.

"Anyare?" nakangiwi kong tanong.

Inilayo niya ang paningin sa akin. Pinagmasdan ko lang siya, akala ko 'yung tenga niya 'yung mamumula dahil sa pagpingot ko kaso 'yung mukha niya ang namumula.

"Magluto kana, nagugutom na ako!" giit niya bago tuluyang pumasok sa banyo. Sinundan ko lang siya ng tingin.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o malilito sa mga ikinikilos niya.

Hindi ko nalang 'yon pinansin. Nag-ayos muna ako ng sarili bago magluto. Nang nasa kusina na ako ay nagsimula na ako sa paghahanda ng pagkain. 7:30 AM na hindi ko naman kaylangang magmadali kasi hindi na papasok si Vleen sa trabaho.

Habang hinihintay na kumulo ang tubig ay napahawak ako sa tiyan ko. Napangiti pa ako dahil may bata sa loob nito.

"Okay ka lang d'yan baby?" tanong ko pa.

"Ako magpapangalan sa'yo ah! Ano kayang gender mo? Pero kahit ano pa man 'yon magiging masaya ako. Saka alam kong lalaki kang goodlooking, sympre maganda si mommy diba. Hahahaha! Pero baby wag mong gagayahin si Vleen, ay este si daddy mong mukhang pera." Natigil ako dahil sa pagtawa sa mga sinasabi ko. Hinaplos haplos ko pa ang tiyan ko.

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon