Chapter 24

300 23 3
                                    

Cadillac Ybañez's point of view

Naging masakit kay Vleen ang nangyare sa pagitan nila ng Mom niya. Gayunpaman hindi niya hinayaan ang sariling magpakatoxic dahil lang doon. Nakita ko ngang mas naging malakas siya. Nakatulong din siguro 'yung presensya ko sa kanya. Pero paminsan minsan nag-aalala pa rin ako sa kalagayan niya. Kaya hangga't maaari ay hindi namin binabanggit ni Briar ang tungkol sa usapang pamilya.

Dahil malapit na akong mag 5 months na buntis ay napagpasyahan na naming umuwi. Hindi kami dumiretso sa Manila, tinawagan kasi ako nina Mom at Dad na sumaglit kami sa bahay sa Surigao. Kaya pag-alis namin sa Siargao island nagpunta kami sa bahay.

Okay na rin 'yon dahil gusto ko rin makita ulit ang bahay namin. Sumama naman si Briar samin. Isang araw lang naman kami rito sa Surigao pagtapos ay uuwi na sa Manila.

"Ang laki pala ng bahay niyo!" papuri ni Briar.

Palinga-linga si Briar habang si Vleen ay nakikipag-usap kay Dad. Lumapit samin si Mom may dala siyang makakain.

"Hello po tita, ako po si Briar. Kaibigan nina Vleen at Cadillac," pagpapakilala nito.

Nginitian siya ni Mom.

"Nakwento kana sa 'kin ni Cadillac. Okay lang ba sayong manatili kayo rito kahit isang araw lang?"

"Opo naman!"

Sa akin naman bumaling si Mom. Tumabi siya sa 'kin at hinawakan ang tiyan ko.

"Kapag nalaman niyo na ang gender sabihin mo agad samin," paalala niya.

"Kahit magvideo call pa tayo sa araw ng ultrasound ko hahaha!"

Niyakap ako bigla ni Mom. Nakatingin lang si Briar samin.

"Magkakaroon na ako ng apo! Ang bilis ng panahon, magiging mommy na ang baby ko," paglalambing nito. Niyakap ko rin siya pabalik.

Matagal ko rin hindi makikita sina Mom at Dad.

"Baby mo pa rin naman ako!"

Humarap sa 'kin si Mom. Marahan niyang inayos ang buhok ko.

"Magiging dalawa na ang baby ko," nakangiti niyang saad.

"Si Dad, baby mo rin diba!"

"Tigilan mo ako anak, baka ang ibig mong sabihin babytayin! Panay sakit ng ulo ibinibigay n'yan."

"Wag na mastress mother! Alam ko namang love na love mo siya."

"Kaya nga hindi ko pa hinihiwalayan diba."

Nag-usap lang kami ni Mom. Si Briar ay parang naout of place na kaya ang ginawa niya ay tinawagan nalang niya si Pearl. Silang dalawa ang nag-usap.

Matapos ng lahat ay sinamahan kami ni Mom sa mga kwartong tutulugan namin. Si Briar ay doon sa guest room. Habang kami ni Vleen ay sa kwarto ko matutulog. Namangha lang ako dahil hindi nila ginalaw ang buong bahay. Parang nilock lang ata nila 'to. Ang ibang gamit kasi namin nandito pa. Maayos na ang kwarto ko dahil 'yon ang inunang pagandahin ni Mom.

Nakita ko naman ang mga drawing ko na nakaframe na. Nakasabit 'yon sa pader. Medyo girly ang ayos ng kwarto ko, nahiya tuloy ako kay Vleen.

"Galing mo talaga magdrawing," saad niya habang ang atensyon ay nasa mga drawings ko.

Siguro nagagandahan niya dahil hindi siya marunong magdrawing. Pero kung professional ang tumingin d'yan baka nacritic na ako!

Iyong portrait na ibinigay ko kay Vleen ay itinago niya. Pagdating daw sa Manila ipapaframe niya 'yon. Tapos ay ididisplay sa office niya. Sinulatan pa nga niya 'yon sa baba. Ang nakalagay ay 'Mahal na mahal ako ni Cadillac.'

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon