Chapter 16

263 27 7
                                    

Cadillac Ybañez's point of view

"Hmmmm..." mahinang pag-inda ko nang maimulat ang mga mata. Tinignan ko ang oras at napaawang ang labi ko nang mapagtantong late akong nagising.

8:00 AM na, ngayon lang ako nagising ng ganito. Dati rati kasi ay 5:00 AM gising na ako. Napabalikwas ako ng bangon. Wala naman na si Vleen sa tabi ko, siguro ay pumasok na sa trabaho.

Marahan akong naglakad palabas ng kwarto. Dumiretso agad ako sa kusina. Nagulat pa ako nang makita ko si Vleen doon. Kumakain siya habang malayo ang tingin. Nang magpatanto niya ang presensya ko ay ngumiti siya.

"Good morning! Kain kana!" anyaya niya.

Nakita ko naman ang inihanda niyang pagkain.

Buti nalang marunong siyang magluto.

Pansin ko rin na maayos ang kabuuan niya at handa ng pumasok sa trabaho.

"Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko.

"Tulog na tulog ka, nakakahiya naman," sagot niya.

Tinatamad nga ako kumilos ngayon. Siguro parte lang 'to ng pagbubuntis ko.

"Buti nagluto ka..." mahina kong saad.

"Tch! Basic lang 'to, noong wala ka pa ako laging naghahanda ng pagkain ko."

Alangan naman ibang tao? Siya lang naman nandito.

Naupo ako sa harap niya sakto namang tumayo siya. Kaya naiangat ko ang paningin sa kanya.

"Papasok kana?"

Tumango siya.

"Ingat," 'yon nalang ang sinabi ko.

Magtitimpla sana ako ng coffee nang bigla akong may maramdaman.

Yah! Nasusuka ako!

Mabilis akong tumayo para pumunta sa banyo. Nahinto naman si Vleen nang makita ang ginawa ko. Pagdating ko sa banyo ay doon ako sumuka. Parang may kumukulo sa loob ng tyan ko.

"Ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Vleen mula sa likuran ko.

Hindi ako makasagot dahil nagfofocus ako. May gusto nanaman kasing lumabas sa bibig ko.

Naramdaman ko naman ang kamay ni Vleen sa likod ko. Hinaplos haplos niya 'yon, nang maramdamang may lalabas na sa bibig ko ay napahawak si Vleen sa buhok ko. Inangat niya ang buhok ko para hindi mabasa.

Nakakahiya naman!

"Malalate... k-kana," utal kong giit.

"Don't worry."

"Pumasok kana ako na b-bahala rito..."

"Wag kang makulit Cadillac!"

Hindi ko nalang nga siya kinulit nang magsuka nanaman ako. Ilang minuto rin kaming nagtagal sa banyo. Nang maramdaman kong maayos na ako ay lumabas na kami. Pasimple niya akong inaalalayan at ramdam ko 'yon.

Nag-aalala lang 'to sa anak namin, sympre itinuturing niyang pera 'tong nasa loob ng tyan ko.

"Magiingat kana palagi, wag kana rin kumilos dito kapag wala ako. Kahit mahiga ka lang d'yan hanggang pagdating ko gawin mo. Susubukan ko rin agahan umuwi. Kapag may oras si Pearl sasabihan ko siyang magpunta rito para bantayan ka," bilin niya.

Ginawa naman akong bata nito! Alam ko naman ang ginagawa ko.

"Wag kang mag-alala, hindi ko naman pababayaan 'tong anak mo." Sabay pag-irap ko sa kanya.

Ngumiti siya saka patango tango pa.

"Okay! Alagaan mo ang anak ko!" saad pa niya.

Anak mo kasi kaylangan mo!

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon