Vleen Xivey Villamor's point of view
"Anong mga pagkain ang gusto niya?" abot tengang ngiting tanong ni Dad. Kitang kita ko sa kanya kung gaano siya kasaya noong malamang magkaka-apo na siya.
"Anything Dad," sagot ko.
"Padadalhan ko siya sa condo mo. By the way, is she always alone?"
"Yup Dad, tuwing work ko mag-isa lang siya sa condo. But I always try to get home early para mabantayan siya."
"It's not enough Vleen, maselan ang kalagayan ng isang buntis. You should resign."
"I already did, kaso ayaw pa nilang iaccept 'yung resignation ko. It is because wala pang pwedeng pumalit sa 'kin."
Napabuntong hininga siya.
"Ako na bahalang kumausap sa kanila at tungkol sa pagtake over mo ng kompanya ko. Still processing pa, medyo umaalma 'yung mga shareholders sa plano ko,'' saad ni Dad.
Tch! Bakit naman sila tatanggi? May karanasan naman ako sa pagpapatakbo ng negosyo.
"Dad it's okay, kaya ko naman maghintay."
"Good, and about my property in Nueva Ecija. Kinausap ko na ang private attorney ko tungkol do'n. Sila na bahalang mag-ayos para sa'yo. Ang kaylangan mo nalang ngayon ay alagaan ang mag-ina mo. Be a good husband and father. Wag mo akong gayahin na napabayaan ang pamilya dahil sa trabaho."
Naglapat ang labi ko sa sinabi niya. Ngayon ko lang siya narinig na sabihin ang ganoong bagay. Kapag usapang pamilya kasi ay madalas mailap siya.
"Don't mind me son, naalala ko lang bigla ang nakaraan namin ng Mom mo. I know you don't know anything about us. But I'll try to tell you soon." Tumayo pa siya at tinapik ang balikat ko. "Be a good man, wag mo akong tutularan." Pagtapos ay umalis na.
Nag-iwan naman ng pag-aalala sa akin si Dad. Kahit papaano concern ako sa kalagayan niya. Mahal ko ang Dad ko hindi lang dahil sa pera kundi dahil siya lang ang taong hindi ako iniwan.
•••
"Bakit mo pa ako sinama rito?" iritadong tanong ni Briar.
Nandito kami sa grocery para bumili ng supply sa condo. Nauubos na kasi, hindi naman makapaggrocery si Cadillac.
"Para may tagabuhat."
"Ulol!"
"Wag kana tumanggi, lilibre naman kita. Maggrocery kana rin ako magbabayad."
Halos kumislap ang mga mata nito sa tuwa. "Talaga ba?"
Iyan! D'yan siya magaling, kapag libre kumikinang ang mga mata.
"Oo Briar! L.I.B.R.E." pagspell ko.
"Tunay kang kaibigan!"
"Taena mo buraot!"
"HAHAHAHAHA!"
Hindi ko nalang siya pinansin. Nagpunta kami sa mga canned goods. Nilagay ko sa trolley 'yung mga napili kong canned foods habang siya naglalagay din sa basket niya.
Sunod ay sa mga snacks kami nagpunta. Naglagay ako sa trolley ng Chips, Raisins, Snack bars, Popcorn naalala ko pa si Cadillac sa pagkaing 'yon dahil gustong gusto niya. Naglagay din ako ng Candy, Nuts, at Cookies. Si Briar naman chocolate lang nilagay sa basket niya. Alam ko naman na hindi 'yon para sa kanya. Dahil ibibigay niya 'yan kay Pearl dahil paborito nito kumain ng chocolate. Pagtapos sa snacks ay nagpunta kami sa condiments, kanya kanyang lagay kami ni Briar. Nagpunta na rin kami sa Frozen food, vegetables corner, fruits corner. Para na nga kaming magtatayo ng sari sari store.
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
RomanceWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...