Cadillac Ybañez's point of view
Pinagisipan ko ng mabuti ang desisyon ko na bigyan ng anak si Vleen. Hindi naman kasi ganon kadali 'yon. Noong una wala talaga akong plano. Ang nagpabago ng isip ko ay may kaylangan ako na si Vleen lang ang pwedeng magbigay.
Nakausap ko 'yung teacher ko noong 3rd year. May offer siya sa akin na trabaho sa ibang bansa. Akala niya ay nakapagtapos na ako. But sadly sinabi ko sa kanya ang totoo na tumigil ako ng pag-aaral.
Ang offer niya sa akin ay work sa canada, 'yung trabaho is all about architecture. Dapat graduate para makuha ang trabaho na 'yon. Akala ko nga ay wala ng pag-asang makapunta ako doon. Pero ang sabi ng teacher ko ay pwede pa akong makahabol. Siya na daw ang maglalakad ng lahat ng papeless ko at ang kaylangan ko lang ay tapusin ang pag-aaral ko. Nirecommend sa 'kin na mag-aral sa Redfield university dahil sikat na eskwelahan 'yon, mas mapapabilis ang pagpunta ko sa Canada kapag doon ako nag-aral.
Dream school ko rin 'yon noong 1st year college ako. Kaso kahit may pera kami noon ay hindi ko na pinush sa parents ko na doon mag-aral. Dahil ayuko rin na pahirapan sila.
Desperada na ako at hindi ko na iniisip 'yon. Kung magkaroon man kami ng anak ni Vleen ay sigurado namang kukunin niya rin ang anak namin. Although magiging masakit sa 'kin 'yon pero kaylangan kong tanggapin. Doon nga ako natatakot na baka kung sakaling mapamahal ako sa bata ay hindi ko na siya iwan kay Vleen. Natatakot ako na baka isuko ko ang pangarap para sa magiging anak ko.
Inalis ko nalang ang isiping 'yon. Ang importante ay makakapagtapos na ako ng pag-aaral at pwede na akong magkaroon ng stable na trabaho.
"Nandito na tayo."
Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse. Nakita ko naman na nasa tapat kami ng isang malaking bahay. Nagpauna sa paglabas si Vleen at sumunod nalang ako sa kanya.
Kanina lang ay itinuro sa 'kin ni Vleen ang kaylangan kong sabihin sa harap ng Dad niya. Puro kasinungaling at pag-arte lang naman. Ngayon palang isusumpa ko na ang sarili dahil makakagawa ako ng kasalanan.
Pagkapasok namin sa bahay ay nakipagusap muna si Vleen sa mga kasambahay. Itinuro naman nila kung nasaan ang Dad ni Vleen. Huminga ako ng malalim nang mamataan ko ang Dad niya sa balcony. Maya maya lang ay naramdaman ko ang paghawak ni Vleen sa kamay ko. Hindi na ako papalag dahil parte 'to ng trabaho ko.
Nang makarating kami sa Dad niya ay medyo kinabahan ako.
"Vleen," pagtawag nito sa anak.
Naupo kaming dalawa sa harapan niya. Ngumiti nalang ako, at nakahinga naman ako ng maluwag nang ngitian din niya ako.
"Dad, she's my wife. Cadillac Ybañez Villamor," pagpapakilala sa 'kin ni Vleen.
"Nice to meet you, I'm Vince Villamor you can call me Dad," saad nito.
Mukhang mabait na tao ang Dad ni Vleen!
"Nice to meet you too.... D-dad..." nagdadalawang isip kong pagbati.
Lumawak ang ngiti ng Dad ni Vleen.
"Nagulat ako noong malaman kong may asawa na ang anak ko. Pero mas nagulat ako nang makitang napakaganda ng napangasawa niya."
Sigurado akong nagmana si Vleen sa Dad niya.
"Thank you po..."
Si Vleen naman ay panay ang pagpisil sa kamay ko. Unting unti nalang mahahampas ko na siya.
"How about your parents? Alam ba nila ang tungkol sa inyo ng anak ko?" tanong pa nito.
Inayos ko muna ang boses bago magsalita.
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
RomanceWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...