Cadillac Ybañez's point of view
Matinding lungkot ang nangibabaw sa 'kin. Walang oras na hindi ko inisip ang ginawa ni Vleen. Halos oras oras din akong pinapatay ng katotohanang niluko niya ako.
"Anak, kumain kana," nag-aalalang ani ni Mom.
Buhat niya si Cadeen habang ako ay tulala lang. Si Dad ay parang mawawala na sarili dahil sa nalaman.
"Ano bang klaseng lalaki 'yan? Kung alam ko lang na tarantado 'yan ay pinaghiwalay ko na kayo dati pa!" galit niyang tugon.
"Tama na! Mas lalo mo lang ginugulo ang anak natin. Hindi pa nga natin sigurado kung nakabuntis nga ba talaga si Vleen," pigil ni Mom sa kanya.
"Kinakampihan mo ba ang lalaking 'yon? Tignan mo ang ginawa sa anak natin!"
"Hindi naman sa ganoon, ang akin lang ay hindi pa natin sigurado."
"Ewan ko sa'yo Leyren! Basta ayuko nang makita ang lalaking 'yan."
Agad akong tumayo. Nalipat ang atensyon nila sa akin. Unti unting nahulog ang mga luha sa mata ko. Walang hinto at ayaw tumigil. Doon na sila nataranta, mabilis na lumapit sa akin si Dad at niyakap ako. Si Mom ay panay ang paghaplos sa likuran ko.
"Cadillac anak, tama na... nasasaktan din ako... tama na anak," pagmamakaawa ni Mom.
Kahit anong gawin nilang pagpapahinto sa akin ay ayaw magtigil ng luha ko. Nahihirapan na akong huminga at parang kaunti nalang mahihimatay na ako sa paghagulgol.
"Anak tumingin ka sa 'kin." Iniharap ako ni Dad sa kanya. Pinahiran niya ang mga luha ko. "Maging matatag ka, nandyan pa ang anak mo at kaming magulang mo. Iyang lalaking 'yan, hindi siya malaking kawalan sa'yo," dagdag pa ni Dad.
"P-pero Dad m-mahal ko po siya. M-mahal na mahal..."
Wala ng nasabi si Dad niyakap nalang niya ako. Pinilit nila akong patahanin, tinulungan ko rin ang sarili. Naisip kong walang mangyayare kung pahihirapan ko ang sarili sa kakaiyak.
•••
Vleen Xivey Villamor's point of view
"Vleen, iayos mo ang sarili mo," saad ni Briar. Nandito ako ngayon sa hospital. Tulala lang akong nakatitig sa kawalan. Ayukong magsalita at ayukong mag-isip pa.
Iniwan na ako nina Cadillac at Cadeen. Hindi ko na alam kung ano pa bang silbi ko ngayon.
"Walang nangyare sa inyo ni Jeym at paniniwalaan ko 'yon," biglang tugon ni Briar.
Napatingin ako sa kanya.
"Bro hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit sarili ko hindi ko na kayang paniwalaan. Paano kung may nangyare talaga sa amin ni Jeym? Paano kung nabuntis ko talaga siya?" sunod sunod na tanong.
Kahit hindi makalakad ng maayos si Briar ay lumapit siya sa 'kin. Tinapik niya ang balikat ko at pilit akong pinapakalma.
"Kung totoo mang anak mo 'yung pinagbubuntis ni Jeym. Ako mismo ang sisira sa mukha mo."
Naglapat ang mga labi ko. Hindi ko nagawang magsalita sa banta niya.
"Bro kasi ngayon hindi pa ako naniniwala 'e. Kilala naman kita Vleen, kahit papaano alam kong hindi mo gagawin 'yon kay Cadillac. Isipin mong mabuti ang nangyare noong gabing 'yon. Katawan mo 'yan Vleen, kahit lasing ka noon mararamdaman mo 'yon."
Tama si Briar, kahit lasing ako pwede kong maalala kung may nangyare ba samin ni Jeym. Pero kahit anong gawin ko wala talaga akong maalala.
"Noong gabing 'yon..." panimula ko. Naupo naman si Briar sa tabi ko at pinakinggan lang ang sasabihin ko. "Dalawang bote ng alak lang naman ang ininom ko. Pero hilong hilong na ako at halos hindi na makalakad," pagkwento ko.
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
عاطفيةWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...