Chapter 26

235 26 1
                                    

Vleen Xivey Villamor's point of view

Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging maayos naman kami ni Cadillac, hindi kami nagkakaroon ng away. Kahit madalas akong busy sa trabaho naiintindihan pa rin niya ako. Ang swerte ko nga sa kanya dahil hindi siya 'yung asawang laging tinatanong ang mga ginagawa ko. Ang ibig sabihin lang ay buo ang tiwala niya sa 'kin. Inaalagaan ko pa rin naman siya kahit madalas akong may trabaho. Ibinibigay ko lahat ng kaylangan niya at sympre may oras pa rin ako sa kanya.

Naging mahirap ang mga unang araw ko sa kompanya. Pero hindi naman ako pinabayaan ni Dad. Kahit ako na ang CEO ay parati pa rin siyang nasa kompanya para gabayan ako. Natutunan ko rin naman agad kung paano patakbuhin ang kompanya. Kaya hindi na ako nagkaproblema.

Ngayong buwan na'to manganganak si Cadillac. Hangga't maaari hindi ako nagtatagal sa kompanya. Kahit lagi niyang kasama si Lilac ay hindi pa rin ako kampante.

"Kakauwi lang ni Lilac," tugon ni Cadillac habang kumakain siya.

Inilapag ko sa lamesa ang mga gamit ko at hinarap siya.

"Sasamahan muna kita."

"Huh? Hindi ka papasok?"

"Oo."

"Wag na Vleen, tatawagan ko nalang si Lilac."

"May trabaho siya ngayong tanghali Cadillac. Ayos lang naman sa 'kin."

"Baka magalit Dad mo."

"Mas gusto nga niyang ako magbantay sa'yo. Saka naroon siya sa kompanya ngayon," kumbinsi ko sa kanya.

Wala naman na siyang nagawa.

Sumabay nalang ako sa pagkain. Pagtapos ay balik kami sa normal routine. Manood ng manood habang may nakaharap nanamang pagkain. Paghapon ay aayain niya naman akong lumabas para maglakad lakad.

"Anong gusto mong ipangalan natin kay baby?" excited kong tanong. Nahinto siya sa pagnguya ng popcorn.

"Ako pinagdedecide mo?" Abot langit pa ang ngiti niya.

"Oo, baka kasi magwala ka pag pinangunahan kita," natatawa ko namang sagot.

Ibinaba niya ang kinakain at dumikit sa 'kin. Marahan ko naman siyang inakbayan.

"Noong nakaraan ko pa 'to iniisip. Sana lang pumayag kang 'yon ang ipangalan natin," saad niya.

"Papayag ako agad, kaya sabihin mo na kung anong pangalan ang naisip mo."

"Cadeen Cenn."

Namangha naman ako dahil napakaganda ng pangalan na naisip niya.

"Saan mo naman nakuha 'yung Cadeen Cenn?" tanong ko.

"Cadeen kasi Cadillac at Vleen! Tapos yung Cenn binuo ko lang din gamit 'yung pangalan natin," masaya niyang sagot.

Wow! Buti nalang talaga siya ang pinagdecide ko. Ang naisip ko kasing ipangalan sa bata noon ay 'Rich'. Pero mukhang hindi matutuwa si Cadillac hahahaha!

"Ang galing naman talaga ng misis ko! Hindi ako kinalimutan. Akala ko isusunod mo lang sa pangalan mo."

Tumawa siya.

"Pinaghirapan natin gawin 'tong si baby kaya share tayo hahaha!"

Pilyo ko siyang tinignan. Pinisil pisil ko pa ang balikat niya.

"Oh bakit nanaman?" tanong pa niya.

"Nagustuhan ko lang 'yung sinabi mong pinaghirapan nating dalawa. Hayaan mo sa susunod mas pahihirapan kita hahaha!"

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon