Chapter 27

243 20 0
                                    

Cadillac Ybañez's point of view

Mula noong isinilang ko si Cadeen mas naging masigla ako. Kahit nahirapan kami ni Vleen sa pag-aalaga sa kanya, kinaya naman namin. Noong una ay si Lilac lang ang kasama kong nag-aasikaso sa kanya. Pero ngayong 3 months na si Cadeen, ako na ang nag-aalaga mag-isa.

Napagdesisyonan din ni Vleen na kumuha ng kasambahay na makakasama ko rito sa condo. Nakapag-enroll na ako sa Redfield University kaso homeschool ako. Hindi ko pwedeng iwan ang anak ko at ipalaga nalang sa ibang tao. Mas maganda kasing ako ang makasama niya.

"Anak malapit na akong matapos..." saad ko sa anak kong umiiyak na.

Ngayon na kasi ang pasahan nitong activity na pinapagawa samin. Ito namang si Cadeen nakisabay.

"Ma'am kukunin ko na po 'yung mga maruming gamit ni Cadeen." Nakasilip si Reina sa kwarto. Siya ang kasambahay namin. Dalaga pa siya at naisip na magtrabaho para makaipon sa pag-aaral niya.

"Pwede mo bang buhatin muna si Cadeen? Tatapusin ko lang 'to," pakiusap ko.

Isinantabi niya ang mga labahin. Pumasok siya sa kwarto at kinuha nga si Cadeen. Pinapatahan niya ang anak ko habang ako ay binilisan ang paggawa ng activity.

Makakagraduate naman ako kahit homeschool lang. Nakiusap kasi kami ni Vleen tungkol sa kalagayan ko. Pumayag naman sila, marami rin daw ang naghohomeschool sa university kaya normal nalang ang sitwasyon ko. Si Pearl naman ang tumutulong sa 'kin sa mga topic na hindi ko maintindihan. Kahit kasi idiscuss sa 'kin through online ng mga teachers ay nabablanko pa rin ako.

Nang matapos ko ang lahat ay nakahinga ako ng maluwag. Napasa ko na rin sa tamang oras kaya hindi kabawasan sa grade.

Hawak ko na si Cadeen, pinapainom ko siya ng gatas galing sa bottle. Sinubukan ko naman ang breastfeeding sa kanya. Kaso sumuko rin ako dahil nasasaktan ako tuwing kinakagat niya ang nipples ko hahaha! Manang mana sa Daddy niya, gustong gusto ang pagkagat.

Ayos lang naman daw na sa bottle siya uminom. Basta 'yung gatas ay galing pa rin sa 'kin. Kaya nagbebreast pump nalang ako.

Palagi kaming napupuyat kay Cadeen. Sinasabi ko nga kay Vleen na ako nalang ang mag-aalaga kay Cadeen tuwing gabi para hindi siya mapuyat. Kaso ang kulit din ni Vleen. Ako ang pinapatulog niya habang siya 'yung nag-aalaga. Si Reina ayaw naman naming gisingin kasi madaling araw nagwawala si Cadeen.

Paulit ulit lang ang routine ko buong araw. Gigising ng maaga para magluto ng kakainin ni Vleen at ihahanda ang gatas ni Cadeen. Si Reina taga linis lang at minsan inaalagaan din si Cadeen. Tuwing tanghali nag-aaral naman ako. Tuloy tuloy 'yon hanggang 6:30 PM. Sa gabi si Vleen naman ang nag-aalaga kay Cadeen.

Nagising ang diwa ko nang tumawag si Mom. Hinarap ko ang camera kay Cadeen nang makitang video call 'yon.

"HELLO APO!" masigla nitong bungad.

"Nag-eenjoy po ako sa gatas lola!" natatawa ko namang saad.

Hinarap ko ang camera sa 'kin at nakita ko ang napakagandang ngiti ni Mom.

"KUMUSTA KA NAMAN?"

"Nakakapagod mag-aral at mag-alaga ng anak."

"SUKO KANA AGAD?"

"Sympre hindi! Anak at pangarap ko ang inaasikaso ko. Kaya walang susuko!" nakangiti kong sagot.

"GANYAN LANG ANAK, NGAYON LANG NAMAN ALAGAIN SI CADEEN. PERO KAPAG NAG 1 YEAR OLD NA 'YAN HINDI KANA MAHIHIRAPAN."

"Sana nga Mom, alam mo bang tuwing umaga tulog 'tong si Cadeen pero pag gabi gising. Kaya ang lagay n'yan si Vleen ang nahihirapan."

"NAKU PO, PAGOD SA TRABAHO PAGTAPOS AY NAG-AALAGA PA?"

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon