Chapter 28

251 19 2
                                    

Cadillac Ybañez's point of view

10 months later

"Happy 1st birthday Cadeen!" masiglang sigaw naming lahat. Nagpasabog pa ng confetti si Briar tuwang tuwa naman si Cadeen habang pinapanood 'yon.

1st birthday ni Cadeen, sina Lilac, Reina at Briar lang ang kasama namin ngayon ni Vleen. Nirentahan ni Vleen ang buong restaurant para sa celebration namin.

"Happy graduation Cadillac!" sigaw rin nila nang magpasabog pa ng isang confetti si Briar.

Hindi lang isang okasyon ang icecelebrate namin. Sinabay na rin kasi ang graduation ko!

Sa wakas nakapagtapos na rin ako. Kahapon pa ang graduation ceremony. Pero ramdam ko pa rin ngayon 'yung saya!

Suot ko ngayon ang binili namin ni Vleen na dress na gold. Natatandaan ko pa noong makipagdebate 'tong si Vleen para lang sa dress na'to. Hindi ko naman lubos na akalaing isusuot ko ang dress na'to ngayon.

Sabay sabay na naglabas ng regalo sila Briar. Inilapag nila 'yon sa table. Inilapit ko si Cadeen do'n habang buhat buhat siya. Kinuha naman niya 'yung mas maliit na paper bag. Natawa ang lahat.

"Ayaw mo ba ng mas malaki anak?" tanong pa ni Vleen. Pero hindi naman siya masasagot ni Cadeen dahil hindi pa ito nagsasalita.

"Gusto ng simple Vleen!" saad naman ni Briar.

Sympre tuwang tuwa siya dahil regalo niya ang kinuha ng anak ko.

Nagsimula na kaming kumain. Hindi naman ako makasabay sa kanila dahil buhat ko si Cadeen.

"Cadeen, si tita Pearl oh."

Hinarap ni Briar ang phone niya kay Cadeen. Wala naman do'n ang atensyon ng anak ko dahil nilalaro nito ang maliit na paper bag.

"Hi Pearl!" bati ko nalang. Kinuha ko ang phone ni Briar at hinarap samin ni Vleen 'yon. Mas gumanda si Pearl, kung dati ay maputi siya ngayon ay mas pumuti siya. Para na siyang walking gatas dahil sa kulay hahaha!

"HAPPY GRADUATION CADI!"

"Thank you Pearl!"

"WOW NAMAN! MAS NAGIGING FLAWLESS KAYO AH!"

Nagkatinginan naman kami ni Vleen.

"Ako lang flawless Pearl, itong si Vleen haggard na kakatrabaho," biro ko.

"HALATA NGA CADI! HAHAHA!"

"Pinagtitripan niyo nanaman ako," singit ni Vleen.

"SORRY FRIEND! KAMPI AKO KAY CADI YOU KNOW THAT HAHAHA!"

"Tch! Sana wag kana magkalovelife," ani ni Vleen.

Para namang nasamid si Briar sa sinabi ni Vleen. Kinuha sa 'kin ni Vleen ang phone at ipinakita niya si Briar.

"Kapag hindi mo sinagot si Briar, ibibigay ko siya kay Lilac." Pinakita rin ni Vleen si Lilac, magkatabi lang ang dalawa kaya kitang kita ni Pearl 'yon.

Naku po!

Nalaman kasi naming nagpapaligaw na si Pearl kay Briar. Kaso ilang buwan na hindi pa rin siya sinasagot ni Pearl. Akala nga namin wala na talaga silang pagasa pero mukhang balak ng magkalovelife si Pearl.

"HI LILAC, WALANG AHASAN AH!"

Napatawa kaming lahat.

"Don't worry sis may boyfriend na ako at hindi ko type 'tong manliligaw mo," taas noong sagot ni Lilac.

Wag kayo, pinsan ko 'yan!

"Hindi rin kita type Lilac hahaha!" saad naman ni Briar kaya mas natawa kami.

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon