Cadillac Ybañez's point of view
"Pumayag ka? Grabe naman Cadi!" halos pasigaw na tugon ni Lilac sa 'kin.
"P-pera 'yon..."
"Baliw! Ano naman kung pera 'yon? Binenta mo sarili mo?"
"Hindi gano'n 'yon Lilac!"
"So ano lang?"
"Kaylangan ko ng pera! Kaya nga sumama ako sayo rito sa manila diba. Kasi kung hindi ko kaylangan ng pera mananatili ako sa probinsya kasama ang mga magulang ko," seryoso kong paliwanag.
Hindi siya nakapagsalita at napayuko nalang.
Kaylangang kaylangan ko ng pera para matubos ang bahay at lupa namin sa probinsya. Sa totoo lang, maayos ang buhay namin noon. May malaking bahay, malawak na lupa at stable na trabaho ang Mom at Dad ko. Kaso noong nalulong si Dad sa pagsusugal ay doon na nagsimulang humirap ang buhay namin. Nasayang lahat ng pinaghirapan namin dahil sa kanya.
Hindi nga kami makapaniwalang isinangla niya sa banko ang bahay at lupa namin. Saka lang namin nalaman noong naubos na 'yung pera. Ginamit niya lahat ng 'yon sa pagsusugal. Noong mangyare kay Dad 'yon ay halos araw araw na siyang wala sa sarili. Walang ganang kumain at hindi makausap ng maayos. Natigil si Mom sa trabaho niya para alagaan si Dad. Buti nalang naging maayos na rin si Dad. Ang kapalit naman ng pagiging okay ni Dad ay ang pagkawala ng trabaho ni Mom. Nakikitira nalang kami sa isang kapatid ni Mom sa probinsya. Si Dad ay pinipilit na makabalik sa trabaho niya sa isang kompanya pero ayaw na siyang tanggapin dahil sa bad record niya.
Sadly tumigil ako sa pagaaral. Isang taon nalang sana ay makakapagtapos na ako ng architecture kaso dahil sa mga nangyare sa amin ay hindi ko na natuloy.
Okay na rin sigurong hindi muna ako magaral. Magiipon muna ako para maituloy ang pag-aaral. 25 years old na ako at kaylangan ko ng magtrabaho para ako naman ang magbigay ng ginhawa sa mga magulang ko.
"Gusto mo talaga ng easy money?" tanong pa ni Lilac.
Si Lilac ang pinsan ko, at sa kanila nga nakikitira ang mga magulang ko ngayon.
"Magkano naman ang kikitain ko rito sa bar?" tanong ko rin.
Matagal ng nagtatrabaho si Lilac dito sa bar bilang waitress kaya nang malaman niyang naghahanap ako ng trabaho ay isinama niya ako rito sa Manila.
"I mean humanap ka ng mas matinong trabaho. Madami rito sa manila. Lahat naman ng bagay ay pinaghihirapan Cadi! Sa panahon ngayon scam 'yung mga nagaalok ng easy money d'yan!"
"Eh mukhang hindi naman siya scam."
"Huh? Bakit? Kilalang kilala mo na ba ang lalaking 'yon? Nagoffer lang ng 500k go kana?"
"Madali lang naman kasi ang trabaho. Magpakasal lang ako sa kanya tapos ayon 500k na!"
Hindi ako mukhang pera pero dahil sa kalagayan ng mga magulang ko ngayon kaylangan kong gawin lahat para sa pera!
"Akala mo ba madali lang magpakasal? Ako ang malalagot sa mga magulang mo n'yan!"
Magkaedad lang kami ni Lilac pero mas may sense siyang kausap kaysa sa 'kin.
"Sympre hindi madaling magpakasal kung hindi mo naman mahal 'yung pakakasalan mo," sagot ko.
Ginulo niya ang buhok dahil sa sobrang stress sa mga pinaggagawa ko.
"Sorry na Lilac! Nakikiusap lang akong wag mong sabihin kina Mom at Dad ang tungkol dito," pagmamakaawang sabi ko halos lumuhod na nga ako sa harapan niya.
"Okay fine! May sarili kang isip at desisyon sa buhay. Basta siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak d'yan!"
"Ako pa ba Lilac! Kapag ginago ako ng lalaking 'yon wala na siyang mukhang maipapakita sa mga tao!" taas noo kong tugon.
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
RomanceWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...