Chapter 2

349 35 1
                                    

Vleen Xivey Villamor's point of view

"Dad, ang hirap nang pinapagawa mo sa 'kin," iritado kong wika sa harap ni dad.

Nandito kami ngayon sa opisina ng company niya. Yes, may sarili kaming kompanya, a real estate company. Pero hindi ako nagtatrabaho rito. Actually, gusto ko talagang mag-work dito kaso itong si dad ang may ayaw. Kaya ngayon ay nagtatrabaho ako sa ibang kompanya. Brand manager ako sa isang fashion company. Alam ng mga katrabaho ko na may sariling kompanya ang dad ko. Hindi ko naman masabing kompanya ko rin 'to dahil wala naman akong shares o na-contribute rito.

Ang kay dad ay hindi sa akin, ayaw niya kasing ibigay basta-basta lahat ng pinaghirapan niya kahit anak niya ako. Tignan niyo nga, may kondisyon pa para lang ipamana niya sa 'kin lahat ng ari-arian niya.

I understand him, ayaw niya lang kasing maging tamad ako at sympre ayaw niyang umasa ako nang umasa sa kanya. Gano'n si dad, dapat ay independent ka.

May kasabihan nga siya sa buhay. Walking alone makes you stronger.

Unti-unti ko na rin 'yong pinapaniwalaan.

"Hindi ko sinabing magmadali ka sa paghahanap. Siguro gustong-gusto mo na talaga makuha lahat ng ari-arian ko," tugon nito habang ang atensyon ay nasa laptop niya.

I sighed. "Hindi gano'n 'yon, Dad," depensa ko sa sarili.

Pero parang gano'n na nga HAHAHA!

"Ano lang?"

"Gusto ko lang ma-secure ang future ko, Dad. Saka para naman makapagpahinga ka na sa pagpapatakbo nitong kompanya. Hindi ba ang sabi mo sa 'kin napapagod ka na rito," nakangiti kong sagot.

Tumango siya pero wala pa rin ang atensyon sa akin. "Bakit ka nga ba nandito?" tanong ulit niya.

"Para sana makiusap na baguhin mo na 'yong kondisyon mo. P'wede bang 'wag na lang pagpapakasal. Ang hirap maghanap, Dad!"

"May usapan na tayo, Vleen. Bumuo ka na ng pamilya. Para bago man lang ako humina nang tuluyan ay makita ko ang apo ko."

"Dad!"

"By process ang paghahanap ng mapapangasawa. Kaya nga wala akong binigay na deadline sa 'yo 'di ba. Kasi hindi madali 'yon. Marami ka pang oras, take your time, Vleen," seryosong tugon nito.

Okay! Sabi ko nga hindi niya ibibigay basta-basta ang mga ari-arian niya.

"Kung hindi mo kayang ibigay ang gusto ko. Lahat ng mayroon sa akin ngayon ay mapupunta sa charity na dating sinusuportahan ng mom mo," mas seryoso nitong tugon.

Napanganga ako.

Hindi ako papayag do'n!

•••

"May nahanap ka ba?" bungad sa akin ni Briar. Nakahiga ako sa kama ko.

"Mag-isa mo? Saan si Pearl?"

"May trabaho pa. So may nahanap ka nga kagabi?" tanong ulit niya.

I sighed. "Sampal lang inabot ko!" halos pasigaw kong singhal.

Narinig ko ang pagtawa niya. "Sabi sa 'yo walang matinong babae sa bar."

"But, bro! Type ko 'yong babaeng sumampal sa 'kin." Napaupo ako bigla nang maalala si Cadillac.

Kumakain si Briar habang nakatingin sa akin. Halatang gutom na gutom ang lalaking 'to. Mukhang hindi pa nga niya nginunguya ang kinakain, lunok agad!

"Hindi ka nainis?"

Napangiti ako. "Parang noong nakaraan ang hanap ko 'yong medyo mahinhin. Kaso noong makita ko siya nag-iba agad ang gusto ko. Shit!" Napakagat labi pa ako habang iniimagine si Cadillac sa harapan ko.

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon