Chapter 13

271 28 2
                                    

Cadillac Ybañez's point of view

Marahan kong iminulat ang mga mata nang maramdaman ang sinag ng araw sa mismong mukha ko. Medyo nagloading pa ang isip ko hanggang maalala ang mga nangyare kahapon. Kagat labi akong lumingon nang makitang may nakayakap sa 'kin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Vleen. Tulog na tulog siya at nakayakap pa talaga sa 'kin. Ngayon ko lang din napansin na hubo't hubad kaming dalawa. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyare.

Dahan dahan kong kinuha ang braso ni Vleen para sana alisin sa pagkakayakap kaso mas humigpit lang ang kapit niya sa akin.

Langya 'to!

Napapikit pa ako nang maramdaman 'yung ano niya, HAHAHAHA! Basta alam niyo na 'yon, 'yung UGH! Sobrang dikit kasi namin sa isa't isa kaya ramdam ko bawat parte ng katawan niya.

Jusko ayuko na! Layuan ako ng demonyo! Ang aga-aga Vleen!

Sinubukan ko ulit na tanggalin ang braso niya at sa pagkakataong 'yon ay naialis ko naman ng maayos. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyang makatayo. Mabilis ko rin na tinakpan si Vleen ng comforter.

Kinuha ko agad 'yung bathrobe na nakasabit malapit sa pinto ng banyo. Isinuot ko 'yon at isa-isang pinulot ang mga gamit ko na nagkalat na dahil sa nangyare. Napapalunok pa ako tuwing pumapasok sa isipan ko ang kabuuan ni Vleen.

Nakita ko siyang whole naked! WAHHHHHH!

Jusko Cadillac, 'yung isip mo pakilinis!

Napahinto ako sa paglalakad nang may maramdamang sakit sa ibabang bahagi ng katawan ko. Namula pa ako ng sobra nang makita ang pahid ng dugo sa kama.

Sabi ko na nga ba't mararanasan ko 'to!

Dahan dahan lang akong naglakad papunta sa loob ng banyo. Hanggang ngayon nanghihina pa rin ako.

Habang naliligo ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyare samin ni Vleen. Halos mapasigaw na nga ako dahil nahihiya ako sa sarili ko!

Pero aaminin kung napakaganda sa pakiramdam nang nangyare kagabi.

Peste Cadillac! Iniisip mo nanaman!

Umiling iling ako at saka mabilis na tinapos ang paliligo. Nagbihis na rin ako, fitted shirt at shorts nalang ang sinuot ko. Tahimik akong nag-aayos ng sarili baka kasi magising si Vleen. Ayuko pang makita siyang gising at ayukong makita niya ako ngayon!

Hindi ko alam, pero parang nawala ang kapal ng mukha ko. Bigla nalang akong nahiya at natakot sa kanya.

Paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang mga pagkain. Nakakalungkot lang dahil wala akong ganang kumain ngayon. Kahit pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ay ayuko pa rin busugin ang sarili.

Lumabas nalang ako ng Villa at nagpunta sa dalampasigan. Panay ang pagbuntong hininga ko dahil hindi ko alam ang gagawin paggising ni Vleen.

"Hello po ate!"

Naituon ko ang atensyon sa batang lalaki na palapit sa akin. Nakangiti siya kaya nahawa rin ako.

"Hi!" bati ko sa kanya.

Umupo ako para makausap siya ng maayos.

"Ako po si Kazuki!" pagpapakilala nito.

Grabe ang hyper niya!

"Hello Kazuki!" pagbati ko ulit.

Halatang half Japanese 'tong bata, parang si Ushiro.

"Anong ginagawa mo rito? May kasama kaba?" tanong ko pa.

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon