Chapter 4

261 28 7
                                    

Vleen Xivey Villamor's point of view

"Cancel all my meetings today thank you," tugon ko sa kabilang linya.

Kahit nalilito ang assistant ko ay ginawa nalang niya.

Today is an important day! Kasal ko kaya dapat ayos ang lahat.

Pagkalabas ko ng kwarto ay bumungad sa 'kin si Pearl at Briar. Nakabihis na ang dalawa, naka-long fitted dress si Pearl na ang kulay ay pula. Si Briar naman ay gwapong gwapo sa suot na suit.

"Kayo ba ikakasal?" nakangiwi kong tanong.

"Well, pwede rin hahaha!" biro ni Briar pero halatang gustong gusto niyang magkatotoo. 'Yon nga lang baka ayawan siya ni Pearl!

"Maganda ba suot ko Vleen?" Nagpose pa si Pearl sa harapan ko.

"Sobrang ganda!" singit ni Briar.

Lumapit ako sa kanila at saka pumagitna para akbayan silang dalawa.

"Oo ang ganda mo ngayon Pearl," pagpuri ko rin. Sana lang ay mas umangat si Cadillac sa kagandahan. Tch! Masyadong ginalingan ng kaibigan ko 'e!

Sabay sabay naituon ang atensyon namin sa pinto nang may magdoorbell. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa amin ang tatlong make up artist. Dala rin nila ang wedding gown ni Cadillac.

Pinaupo ko muna sila sa sala, doon naman nila inayos ang mga gagamitin nila kay Cadillac. Lumapit sa 'kin si Briar, si Pearl naman ay nakipagkwentuhan sa mga make up artist.

"Ring?" tanong ni Briar.

Napangisi ako.

"Sa kwarto ko."

"Wow! Talagang handang handa kana ah!"

"Oo handang handa sa lahat ng ari arian ni Dad," taas noong tugon.

Natawa siya sa 'kin.

Tch! I'm not joking!

"By the way, nasaan na si Ms. Cadillac na mamaya magiging Misis mo na?!" tanong ni Briar.

Pagkasabi no'n ni Briar ay nagpunta ako sa kwarto ni Cadillac. Nakabukas ang pinto kaya nakapasok agad ako. Pero wala siya sa loob ng kwarto. Sumilip din si Briar.

"Hahaha! Baka tinakbuhan kana bro!" pang-aasar niya.

"Subukan lang niya."

Lumabas ako ng kwarto at nagulat kami nang lumabas din mula sa kusina si Cadillac. May hawak siyang plato, nakasubo pa sa kanya ang kutsara. Nagtataka siyang napatingin sa aming lahat.

Napakagulo ng buhok niya, nakasuot din siya ng oversized shirt.

What the hell!

"Bakit?" tanong niya sa amin nang makitang titig na titig kami sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" inis kong tanong.

"Kumakain ako."

"Oo nakikita ko! Pero kasal natin ngayon diba!"

Inalis niya ang kutsara sa bibig at ibinaba ang plato sa malapit na lamesa.

"Totoo?"

Bwiset na'to!

"Sinabi ko sa'yo kahapon!"

Nag-iinit ang ulo ko sa babaeng 'to!

"Okay sorry nalimutan ko," walang gana niyang tugon.

Tumawa silang lahat sa sinabi ni Cadillac. Pinapahiya niya ako sa harap ng mga kaibigan ko at sa ibang tao.

Lagot ka sa 'kin mamaya!

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon