Chapter 1

434 34 0
                                    

Vleen Xivey Villamor's point of view

"Gago ka kasi masyado, Vleen!" nakangiwing tugon ni Briar sa 'kin. Ang kaisa-isang lalaking kaibigan ko.

Lumapit naman sa 'kin si Pearl, ang kaibigan ko namang babae. "Akin na gamutin natin sugat mo," nag-aalala niyang wika.

Tumango na lang ako, dali-dali naman niyang kinuha ang first aid kit nila.

Malaki ang sugat ko sa labi at nagdudugo pa. Sobrang sakit ng pagkakasuntok sa 'kin ng boyfriend ng ex girlfriend ko.

Pinuntahan ko kasi 'yong ex ko para makipagbalikan. Hindi dahil mahal ko pa rin siya kung hindi para sa usapan namin ni dad. Kaso hindi ko naman lubos akalain na may boyfriend na siya ulit. Nadatnan kami ng lalaki habang yakap-yakap ko 'yong ex ko ede ang inabot ko ay malalang suntok.

"Tang ina 'yon ano ba'ng akala niya sa mukha ko? Bato?" inis kong sumbat.

Ngumisi naman si Briar. "Sino ba naman kasi ang matinong lalaki na yayakap ng babaeng may boyfriend na?" pang-aasar ni Briar.

"Ulol! Alam ko bang may boyfriend na siya?" inis ko namang tanong din.

"Hay naku! Kasalanan din ng babae 'yon bakit kasi nagpayakap siya 'e may boyfriend na pala," depensa sa akin ni Pearl.

Napangiti naman ako.

Lagi kong kakampi si Pearl tuwing ginigisa ako ni Briar.

"Ayan ka na naman, Pearl," sita ni Briar sa kanya.

"Tignan mo naman 'tong si Vleen kaawa-awa 'yong itsura oh. Hahaha!" ani ni Pearl.

Akala ko kakampi ko na. Mukha namang nang-aasar din!

Nagtatalo lang silang dalawa habang ginagamot ni Pearl ang sugat ko. Napapasinghal naman ako tuwing ididiin niya ang pagdampi ng cotton sa labi ko.

Maya-maya lang ay biglang may pumasok na naman sa isipan ko.

Desperado na ako!

"Pearl!" biglang sigaw ko.

Nahinto ang dalawa sa pagtatalo at sabay na tumingin sa akin. Hinintay nilang dalawa kung ano ang sasabihin ko. Itinuon ko naman ang atensyon kay Pearl.

"Ikaw na lang kaya ikama ko! Hehe!"

Nanlaki ang mga mata ni Pearl.

"ARAY!" Bigla akong napalayo kay Briar nang sapukin niya ang ulo ko.

"Ew, Vleen! Huwag ako!" iritado namang singhal ni Pearl.

"Bro! Alam mo 'yang utak mo, ayusin mo. Kaibigan mo 'yan! Tataluhin mo para lang sa pera? You're out of your mind!" inis na atungal ni Briar.

Napangisi tuloy ako. I know Briar, may gusto ka kay Pearl kaya gan'yan ang reaksyon mo.

"I'm just kidding mga kaibigan," saad ko sabay pagkindat.

"Tch, humanap ka ng iba h'wag si Pearl," banat na naman ni Briar.

Napabuntong hininga naman ako. "Saan naman ako makakahanap ng babaeng pakakasalan?" seryoso kong tanong. Nagtinginan ang dalawa at biglang napangiti si Pearl.

Mukhang may suggestion.

"Makipag one night stand ka," suhestiyon ni Pearl.

"Saan?"

"Sa bar bro, maraming babae ro'n," sagot naman ni Briar.

Tama!

"Samahan niyo ko mamayang gabi. Hahanap tayo," nakangiting tugon ko.

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon