Cadillac Ybañez's point of view
Mahigit isang buwan na ang nagdaan, wala namang nangyayareng kakaiba sa buhay ko. Katunayan nga ay paulit ulit lang ang ginagawa ko. Tuwing umaga magluluto habang tulog pa si Vleen. Tapos kapag gising niya hindi naman niya kinakain ang niluluto ko dahil lagi siyang nagmamadali papunta sa trabaho. Sa tanghali wala akong kasama sa condo. Nanonood nalang ako at saka paminsan minsan ay tinatawagan ko si Lilac o ang parents ko. Kapag gabi naman, palaging late si Vleen minsan madaling araw na siya nakakauwi.
Hindi naman ako against do'n lalo na't pabor sa 'kin 'yon. Kasi tuwing nandito siya ay panay panggugulo lang naman ang alam. Kaso napeperwisyo rin ako minsan kasi lasing siyang dumarating. Alagain pa siya no'n kasi panay ang pagsuka niya. Kaya nga sinabihan ko siya na kung nakainom siya wag siyang uuwi sa condo. Doon siya matulog kila Briar dahil naiirita lang ako sa kanya. Natawa nga ako, mula noong sabihin ko 'yon ay umuuwi na siya ng maayos. Ayaw siguro niyang makitulog kay Briar.
Naging komportable na ako kay Vleen dahil dalawang buwan ko na siyang kasama. Kahapon lang ay napasaya niya ako ng sobra. Dahil handa niyang tubusin 'yung bahay at lupa namin sa Surigao. Gulat na gulat nga ako no'n 'e.
Halos 8 milyon ang kaylangan ko para doon at okay lang naman daw sa kanya maglabas ng ganong kalaking pera. Basta ang kapalit ay manatili ako sa kanya ng dalawang taon. Nabago agad 'yung usapan naming 500k isang buwan, ibibigay nalang daw niya ng buo ang kaylangan kong pera para hindi na ako mahirapan na mag-ipon.
Inutakan lang nga niya ako doon 'e. Kasi dalawang taon kapalit 8 milyon! Kung bibilangin natin 'yung 500k kada buwan mas malaki ang makukuha ko sa kanya. Ang pinagkaiba lang nito ay makukuha ko agad 'yung perang kaylangan ko at pag-aaralin pa niya ako.
Ayuko namang maghirap 'tong sugar daddy ko kaya pumayag na ako sa mga gusto niya basta hindi ako malulugi. Pagpapaaral pa nga lang niya sa 'kin sa Redfield ay baka maghirap na siya. HAHAHA! Ayuko naman na siyang abusuhin kaya okay na 'yon. Dalawang taon lang naman akong mananatili sa kanya tapos pwede na kaming magdivorce.
Nasabi ko na rin sa parents ko na tutubusin ko 'yung bahay at lupa namin. Sympre gulat na gulat sila, nagtataka pa kung saan ako kukuha ng milyon. Sinabi ni Vleen na sabihin ko na raw 'yung tungkol saming dalawa. Pero wag ko daw sasabihin na pinakasalan ko lang siya dahil sa pera. Pumayag naman ako doon, kasi alam kong magagalit sa 'kin ang parents ko kapag nalaman nilang nagpagamit ako. Ang sinabi ko nalang ay nag-asawa na ako.
Anong reaksyon nila?
Sympre nagalit sila, ang sabi papaano ang pag-aaral ko at paano ang pangarap ko. Sa pagkakataong 'yon si Vleen ang kumausap sa kanila. Kaso panay kasinungalingan ang mga pinagsasabi niya. Kwento pa niya sa parents ko na matagal na raw kaming may relasyon nasa surigao palang ako boyfriend ko na raw siya at noong magkita ulit kami sa Manila, napagpasyahan na raw naming magpakasal.
Ang sabi pa ni Vleen aalagaan daw niya ako at bibigyan ng magandang buhay. Humingi rin siya ng tawad dahil sa pagmamadali naming dalawa sa pagpapakasal.Naiirita nga ako sa mga pinagsasabi niya noon.
Si Dad naiintindihan niya ako at ayaw na raw niyang mangealam sa desisyon ko. Habang si Mom ay galit na galit sa 'kin. Hindi ko manlang daw sinabi sa kanila na nagpakasal ako. Tapos masyado ko raw minamadali ang mga bagay bagay. Hanggang ngayon hindi pa kami ayos ni Mom kaya madalas ay si Dad ang kausap ko.
Hindi naman ako nagsisisi na sinabi ko sa kanila na kasal na ako. Kasi kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Natatakot lang ako na baka hindi na ako mapatawad ni Mom sa mga pinaggagawa ko.
"Iniisip mo?" Nagulat ako nang umupo sa harap ko si Vleen.
"Si Mom."
"Galit pa rin ba siya?"
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
Любовные романыWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...