Cadillac Ybañez's point of view
Hindi ako nakatulog sa sinabi ni Vleen kagabi! Kaya ito ako ngayon nakaharap sa salamin habang pilit na tinatabunan ng foundation ang eye bags ko.
Buti nalang paggising ko wala na si Vleen sa tabi ko. Walang nangyare saming dalawa! Kasi pinigilan din ni Vleen agad 'yung binabalak niya kagabi. Buti nalang talaga nasa tamang pag-iisip siya. Kasi kung ako lang magpapadala ako dahil lutang na lutang ako.
Napabuntong hininga ako at itinigil ang paglalagay ng make up sa mukha ko.
Biglang nawala 'yung kaba ko sa pagkausap sa parents ko. Napalitan 'yon ng pagkalito dahil sa mga ikinikilos at sinasabi ni Vleen.
Mahal niya ako?
Totoo ba? Baka naman sinasabi niya lang 'yon para makascore sa akin?
Umiling iling agad ako.
Parang hindi naman niya sasabihin 'yon para lang may mangyare nanaman samin. Kasi ramdam kong t-totoo.
Hindi dapat ako manahimik lang! Kaylangan ko siyang tanungin ng diretso sa nararamdaman niya sa 'kin. Gusto kong makumpirma!
Sa totoo lang iniisip ko rin kung ano nga bang nararamdaman ko kay Vleen. Kaso naguguluhan din ako sa sarili ko. Hindi ko kayang ipaliwanag! Basta ang tanging alam ko lang ay nagiging komportable na ako kay Vleen. H-hinahanap hanap ko na rin presensya niya. Pero ayukong sabihing may gusto na ako sa kanya. Kasi never pa naman ako nagmahal ng lalaki. Noong highschool panay flirt lang naman kahit noong college. Kaya hindi ko ngayon alam kung anong pakiramdam ng isang taong nagmamahal.
"Cadillac..."
Nang marinig ko ang boses ni Vleen ay nanindig ang katawan ko. Natakot at nahiya ako bigla sa hindi ko malamang dahilan.
"Bakit?" tanong ko habang nakatalikod sa kanya at wala akong planong humarap.
Narinig ko ang paglapit niya sa 'kin. Nagulat pa ako nang ipatong niya ang kamay sa ulo ko. Mula sa maliit na salamin ay kitang kita ko si Vleen. Nakangiti siya, nagbigay 'yon ng kakaibang pakiramdam sa akin.
"Nakausap ko Dad mo, papunta na raw sila rito," mahinahon niyang saad.
Tumango nalang ako. Napansin naman niyang medyo balisa ako.
"Ayos ka lang ba?" kunot noo niyang tanong. Inalis ko nalang ang paningin sa salamin para hindi ko siya makita.
"Oo n-naman! Hahaha!" Pilit kong pagtawa. Dinig ko rin na sumabay siya sa pagtawa ko.
Naramdaman ko bigla ang kamay niyang biglang humawak sa buhok ko.
A-anong ginagawa niya?
"Akin na pantali mo." Inilahad pa niya ang palad sa harap ko.
Kagat labi ko nalang na ibinigay ang pantali ng buhok.
Nasuklay ko naman na 'yung buhok ko kaya maiipitan na.
"M-marunong kaba?" utal kong tanong.
"Yup! Si Pearl kasi panay ang pagpapatali ng buhok niya. Kaya medyo natutunan ko at basic lang 'to."
Tumango nalang ako.
Sinimulan naman niya ang pag-iipit sa buhok ko. Isang talian lang ang ginawa niya kasi 'yon lang naman ang alam niya. Namangha ako kasi hindi siya masakit humawak ng buhok. Iyong pinsan ko kasing si Lilac kapag tinatalian ako ng buhok ay parang laging galit sa 'kin. Sobrang sakit niyang magtali ng buhok!
"Okay na!" masigla nitong saad.
Tinignan ko naman ang sarili sa salamin. Napangiti ako nang makitang maayos ang pagkakatali ng buhok ko.
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
RomanceWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...