Chapter 11

257 27 5
                                    

Cadillac Ybañez's point of view

Isang napakagandang umaga ang bumungad sa akin paggising. Lalo pang gumanda nang hindi ko makita si Vleen sa tabi ko. Nagtataka nga ako kagabi dahil hindi siya natulog kasama ko. Doon siya sa kabilang kwarto natulog.

Masigla akong bumangon, paglabas ko ng kwarto ay kitang kita ko ang ganda ng araw mula sa labas. 'Yung dagat ay napakaganda rin, isabay mo pa 'yung pag-alon nito.

Bago pumunta sa kusina ay sumilip muna ako sa kwarto na tinulugan ni Vleen. Napatawa ako nang makitang halos mahulog na siya sa kama. Tulog na tulog pa ito at parang walang balak gumising ng maaga.

Pagkapunta ko sa kusina ay may mga pagkain agad sa table. May note pa doon kaya binasa ko.

Note: Mr and Mrs. Villamor, enjoy the foods and have a great day.

So hindi na pala ako magaabala sa pagluluto. Dahil 'yung mga staff na ng Villa ang bahala samin.

Sumaya ulit ako sa isiping 'yon. Lalo naman na nang makita ko 'yung mga pagkain.

Beef omelet, sandwich, oatmeal, vegetable salad. May tatlong dish pa pero hindi ko alam ang tawag sa kanila. Sinimulan ko nalang kumain. Kaso biglang may pumasok sa isipan ko.

"Pesteng Vleen 'yan!" inis kong singhal nang maalala ko na sinabihan niya ako kagabi na wag kumain ng madami.

Ang sarap pa naman ng mga 'to! Kakainis!

Sinubukan ko nalang na hindi kumain ng madami. Tiniis ko kahit nang-aakit 'yung mga pagkain. Binilisan ko ang pagkain para hindi na ako matempt na kumain pa ng marami. Pagtapos no'n ay naligo na ako at nagbihis ng simpleng damit. White summer dress lang ang sinuot ko. Hanggang tuhod ko 'yon pero para sa 'kin maikli na'to. Gusto ko lang talagang suotin kasi ang ganda ng design.

Sinilip ko muna ulit si Vleen bago lumabas ng Villa. Tulog na tulog pa rin siya kaya hinayaan ko nalang. Nang makalabas ako ay halos yakapin ko ang hangin. Ang aliwalas ng paligid!

Nagpunta agad ako sa dalampasigan. Mula sa hindi kalayuan nakita ko si Pearl at Briar. Naglalakad na sila pabalik sa Villa.

Sure akong pinilit ni Pearl 'tong si Briar na magpunta rito. Halata naman kay Briar na inaantok pa siya.

Hindi nila ako nakita kaya hinayaan ko nalang. Habang hindi pa masyadong mainit ay naupo ako sa isang malaking bato na nakaharap sa dagat. Ang mga paa ko naman ay nakababa sa napakagandang buhangin. Marami na ang tao, hindi lahat Filipino dahil karamihan ay taga ibang bansa. Maaga palang may nagsusurfing na at naliligo sa dagat.

Marami pang magagandang gawin dito sa siargao. Hindi ko lang alam kung papayag si Vleen na gumala kami. Ramdam ko ngang gusto lang niyang magstay sa Villa.

"Hi"

Naituon ko ang pansin sa lalaking nakangiti sa harapan ko. Pinag-aralan ko ang tindig niya, halos magkasingtangkad lang sila ni Vleen. Sige sabihin na nating gwapo at pang model ang datingan. Halata rin na tourista siya. Pero alam kong hindi pure Filipino 'to.

"Hello," pagbati ko rin.

"Bakit ka nag-iisa rito?" pasimpleng tanong niya.

Hindi naman siya mukhang manyak kaya ayos lang siguro na kausapin ko siya.

"Wala akong pwede yayain, tulog pa 'yung kasama ko," sagot ko.

Ngumiti siya at naupo sa isa pang malaking bato sa tabi ko.

"Ganda dito diba?"  Tumango nalang ako. "By the way, I'm Ushiro Nazz Cancillar," pagpapakilala nito.

"Cadillac Ybañez," pagpapakilala ko rin. Hindi ko na idinugtong ang apelyido ni Vleen. "Hindi ka pure Filipino," dagdag ko pa.

Wifey+Baby=Money (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon