Third person's point of view
Apat na taon na ang lumipas...
"Akin na yan!" nakangusong utos ng batang babae kay Cadeen na abala sa paglalaro sa buhanginan.
Hindi niya nagawang pansinin ang batang babae dahil wala itong pake alam sa paligid niya.
"Kapag hindi mo binigay sa 'kin 'yan, isusumbong kita sa mommy ko!" sigaw ng batang babae.
Doon na napatingin si Cadeen. Inangat nito ang bola na hawak niya.
"Ito ba? Sa'yo ba ito?" nakangusong tanong ni Cadeen sa batang babaeng na kasing edad lang niya.
"Yes! That's mine! Binili sa akin 'yan ng Mommy Quinn at Daddy Zayden ko. Kung gusto mo magpabili ka rin sa Mommy at Daddy mo," mataray na saad ng batang babae.
"Ano bang pangalan mo?" pag-iba ni Cadeen.
"Bakit mo tinatanong? Hindi naman tayo magkaibigan 'e!"
"Ang sungit mo naman!" sigaw rin ni Cadeen.
"Akin na 'yang bola ko!" pagpupumilit ng batang babae.
"Ibibigay ko lang sa'yo ito kapag sinabi mo ang pangalan mo," pang-aasar naman ni Cadeen.
Napairap ang batang babae.
"Zinn ang pangalan ko! Oh 'yan nasabi ko na. Baka pwede mo na ibigay sa 'kin 'yan?"
Ngumiti si Cadeen. Inangat nito ang kamay niyang may hawak ng bola. Lumapit naman si Zinn sa kanya para sana kuhanin ang bola. Pero bigo si Zinn dahil mabilis na itinapon ni Cadeen ang bola sa dagat.
Tuwang tuwa si Cadeen sa ginawa habang si Zinn ay maiiyak na.
"Hinahanap na ako ng Mommy ko! Byebye!" Akmang tatakbo na paalis si Cadeen.
"MOMMYYYYYY DADDYYYYYY!"
Kaso nahinto si Cadeen sa planong pag-alis nang umiyak si Zinn. Nabigla pa si Cadeen nang humiga si Zinn sa buhanginan at gumulong gulong doon.
"Mommy! Daddy!" malakas nitong sigaw habang gumugulong sa buhanginan. Nagwawala na siya dahil sa ginawa ni Cadeen.
"Oh my god! Anak! Anong ginagawa mo?"
Napatingin si Cadeen sa babaeng palapit sa kanila kasunod ang isang lalaki.
"Anak ko! Ano ba naman 'yan! Bakit ka gumugulong d'yan?" Binuhat ng babae si Zinn. Ito ata ang mommy niya na si Quinn habang ang lalaki ay ang daddy niya na si Zayden.
Kalmado lang si Cadeen na pinagmamasdan ang tatlo.
"Ang dumi mo na!" pagalit ni Zayden sa anak na si Zinn.
"S-siya po kasi Daddy oh! Itinapon po niya 'yung bola ko sa dagat," umiiyak pa rin na saad ni Zinn.
Lumapit si Zayden kay Cadeen.
"Bakit mo naman ginawa 'yon?" mahinahong tanong ni Zayden sa bata.
"Naisipan ko lang pong gawin," sagot ni Cadeen.
Imbes na magalit sina Quinn at Zayden ay sabay silang natawa.
"Hahaha! Naku naman talaga! Nasaan ba ang parents mo?" tanong naman ni Quinn.
Itinuro ni Cadeen ang Villa kung nasaan naroon ang mga magulang niya.
Hindi na kinuha ni Zayden ang bola ng anak dahil malayo na ito sa kanila. Napagdesisyonan nalang nilang ihatid si Cadeen sa Villa.
Hindi nagpahawak si Cadeen ng kamay kahit pilit na inaabot ni Zayden ang kamay niya.
"Independent na po ako, hindi na po ako nagpapahawak tuwing naglalakad," kaswal na saad ni Cadeen sa kanila.
BINABASA MO ANG
Wifey+Baby=Money (COMPLETED)
RomanceWalang plano si Vleen bumuo ng pamilya lalo na't he's a self centered person. Sanay siyang nag-iisa, ang tawag niya ro'n ay pagiging independent. But one day, his dad offered him all of his property kapalit nang pagbuo ng isang pamilya. Nagawa laman...