CHAPTER 67

16 1 0
                                    

Ash's POV

"Ano na? Inumin mo na yan para mawala ang lagnat mo" sabi ko kay Asha

Natahimik nalang siya at masamang nakatingin sakin, tapos nag iwas siya ng tingin.

'Galit?'

"Huy? Sorry na. Sige makikinig na ako pramis"

Tumignin siya sakin at hindi ako sineryoso

"Promise mamatay man"

"Yung motor ko" mahinang sabi niya

"Bakit ba? Nandun sa school?"

"HA?! Hindi ba kinuha ni Harley?! Oii punta tayo sa school! Kukunin ko yung motor ko"

"Hindi yun mawawala don"

"Aish! Hindi ko lang yun basta basta iniiwan" masungit na sabi niya

"But i'm too tired to drive" sabi ko, humikab naman ako

"Let me borrow your car then"

"Hala siya, tapos pauwi?"

"Yung sasakyan mo, iiwan ko"

"Ay hindi ako payag jan"

"Sabayan mo nalang nga ako, sigee na"

"Pagod ako"

"Saan ba pinto palabas dito?"

...

"Saan ka pupunta?"

"Sa school Elizar"

"Gabi na, delikado" nandito kami ngayon sa labas ng bahay, agad kasi siyang lumabas nung sinabihan ko siya sa daan.

"Wow ako pa talaga sinabihan mo?"

Naalala ko tuloy yung ginawa niya, ay tama pala. Walang kinatatakutan tong babae na to .

"Alis na ako, baka gabihin pa ako"

Hindi na ako nakasagot kasi agad na siyang tumalikod at lumabas sa gate. Tiningnan ko ang oras at sobrang late na.

'It's already 10pm'

...

"Pumasok ka"

"Wag na nga matigas ang ulo"

"Nagagalit na ako"

"Makinig ka nga!"

"Ano sasakay ka o sasagasaan kita jan?" Agad naman siyang tumingin sakin ng masama at binuksan ang pinto sa kotse. Nasa dulo kaming dalawa.Tuluyan kasi siyang umalis sa bahay kanina kaya napilit akong sundan siya, pero hindi ako yung nagmamaneho ng sasakyan. Nandito kaming dalawa sa back seat.

"Tara na po kuya" sabi ko sa driver namin

Tahimik lang kaming dalawa naka upo papunta sa school, weird. Ang tahimik niya ah? Hindi ba siya magagalit sakin? Well sabagay tahimik naman din siya lagi.

Pumikit nalang muna ako at nag isip, bakit ko nga kasama ang babeng to? Nung una iniiwasan ko siya pero ngayon ay katabi ko at sa bahay namin matutulog ngayon. Gusto ko lang naman siya alagaan dahil parang kasalanan ko din bakit nabugbog siya kanina. Tumingin ako sakanya nung huminto ang kotse, nasa school na pala kami. Pero hindi ko inaasahan na nakatulog siya?! Eh akala ko ba atat na atat siya sa motor niya?

Tiningnan ko muna siya, mahimbing na ang tulog niya. Kailangan niya din magpahinga para gumaling siya agad anong oras na din. Lumapit ako sakanya at tiningnan kung saan niya ba tinago ang susi sa motor niya, nakita ko yun na nakakabit sa id niya. Kaya dahan dahan ko itong kinuha.

My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon