Ash's POV
Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong nakahila kay Asha kanina. Oo hindi ko pa rin siya gusto, pero mukhang ang bastos naman kasi nang lakaki kanina. Inisip ko kasi kung kapatid ko yun ay magagalit din ako, tapos sino namang klase na lalaki ang tumabi nang ganun kalapit sa isang babae?
Nakaupo ako ngayon sa isang bato, si Asha naman ay nakaupo sa dulo nang bundok. Hindi ko namalayan na nakatingin pala ako sakanya, hindi ko alam kung ano ang nagyari pero masayang kasama si Asha. Chill lang siya, hindi makulit tulad nang ibang babae. Yung ibang babae kasi kapag kasama ako ay parang hindi normal, palaging nakangiti tapos kinikilig nang walang rason. Tapos ang ingay pa, palaging nagsasalita nang kahit ano basta makausap lang ako.
"Tara" sabi niya at nasa harapan ko na pala
"Ok" tapos nag lakad na kami pababa
Hindi ko alam kung tahimik ba talaga tong si Asha, hindi ko naman kasi siya binibigyan pansin. Wala akong alam kahit konti, kahit maliit na idea tungkol sa pagkatao niya. May alam ako pero sa aking paningin lang yun, hindi sure kung tama ba talaga. Siguro sila Geo, Nik, at Dan ay may alam na, kasi palagi naman silang nag uusap. Yung nag kwento sila tungkol ay Asha ay hindi ako nakinig, hindi naman kasi ako interesado. May alam din nga pala si Khristine, ako lang naman siguro ang walang alam tungkol sakanya. Birthday lang siguro ang alam ko tapos ako pa yung sumira, ngayon ko lang napagisipan yung mga ginawa ko. Oo bully ako pero minsan lang naman, piling tao lang yung tinatarget ko at malas lang na siya yung nakaharap ko this year.
Ang mga alam ko lang ay yung mga halata, na palagi niyang pinapakita. Ang pagkatao niya na nakakuha talaga nang atensiyon ko, ang pagiging wala niyang pake. Yun naman talaga ang nakakuha nang pansin ko nung first day. Wala siyang pake kung sino ako, tapos wala din siyang pake kahit mayaman ako, kahit ako din yung campus heartrob dito. Ang pakikitungo niya sakin ay parang normal lang ako na estudaynte sakanya, maliban sa iba ay itinuring talaga akong parang prinsepe.
Sakanya ay patas lang tayong lahat dito, well hindi naman patas ang pagiging mayabang niya! At ang taas nang pride!pero kahit ganun siya ay pinapatunayan naman niya. Kung sasabihin niyang magaling siya dito ay magaling talaga siya, yung sobrang galing talaga. Naalala ko yung sinabi ni Haley, yung sabi niya na mas matalino si Asha keysa kay Khristine. Wag naman sana lintek! Gusto ko kami ni Khristine para goals kami.
"Asha" tawag ko sakanya, tumingin lang siya sakin at nag taas nang kilay
"Matalino ka daw sabi ni Harley?" tanong ko para sure!
"Lahat naman nang tao ay matalino ah, yung iba nga lang hindi ginagamit yung utak nila"
"Well what I mean is uh... mas matalino ka daw kay Khristine?"
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
عاطفيةAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...