CHAPTER 10

81 4 0
                                    

Harley's POV



"Oi ter bakit naman ayaw mo nang friendship doon sa mga hotties" tanong ni Joshua kay Asha



Nasa room na kami at dahil maaga kaming natapos kumain ay may oras pa kami para mag chikahan. Tiningnan lang ni Asha si Joshua at mukhang na iirita kaya yumuko nalang siya at matutulog naman to.



"Ah ano kasi" sabi ko para makuha ang antensyon nila, hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Alam ko kasing hindi gusto ni Asha na pagusapan ang tungkol dito. Kaya sumenyas nalang ako nila Joshua na wag muna namin pagusapan ang tungkol don.



Hindi biro ang napagdaanan ni Asha sa dati niyang barkada, bilib nga ako sa kanya kasi sa lahat nang nangyari sa kanya ay nakuha parin niyang mabuhay na parang walang nangayri.



Hindi niya pinapakita ang kanyang nararamdaman alam kong punong puno na siya sa kanyang damdamin. Alam kong hindi parin siya okay hanggang ngayon kaya ginagawa ko ang lahat para iparamdam sa kanya na nandito lang ako kahit anong mangyari. Hindi ko sinisisi si Asha sa kanyang pagbago, kasi kapag ako din ang nasa sitwasyon niya ay magbabago din ako. Pero sa totoo lang namimiss ko yung dating Asha, yung masayahing Asha...




Ash Reigo's POV



Lumabas na kami sa canteen at hinatid si Khristine sa kanyang room. Pumasok na kami sa room namin at napansin kong naka simangot si Geo.



"Anyare sayo tol?" Tanong ko



"Wala naman" sagot niya at ngumiti nang tipid "gusto ko kasing makaibigan si AJ eh"



"Kaibigan ba talaga?" Biro ni Nik



"Oo tol freinds lang"sagot ni Geo at tiningnan nang masama si Nik "Besides, sino namang hindi gustong makipag kaibigan sa isang maangas na babae?" nakangiting sabi ni Geo



"Maangas? Seryoso ka ba? Hah!" Natatawang sabi ko.



"Oo tol seryoso ako" seryosong pagkasabi ni Geo habang naktingin sakin nang deretcho.



"Hm, ako din gusto ko magkaroon nang babaeng kaibigan na katulad ni AJ" si Nik



"Ano?! Ok lang ba kayo? Eh ang sama nga nun!"

My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon