Ash's POV
Napagusapan namin na maghihiwalay kami para mas madaling makita namin si Asha, ang kulit naman netong babae na to. Ilang segundo lang nga akong hindi nakatingin sakanya nawala na. Sa susunod babantayan ko na talaga to! Concern lang talaga ako kasi ang sakit tingnan ng mga sugat niya, dagdag pa yung paa niya.
"Tara don tayo sa canteen" si Geo
"Kayo na don dito na ako sa kabila" sabi ko
"Samahan kita" sabi ni Dan sakin
"Wag na ako nalang, wag kayong maghiwalay"
Umalis na ako agad, wala na akong panahon para magaksaya ng oras. Bawat segundo na sinasayang ko ay mas napapalayo si Asha samin. At yan ang hindi ko gustong mangyari, baka ano pang manyari sakanya. Pumunta ako sa field at tiningnan lahat ng sulok na pwede niyang puntahan, sigurado akong nagpapahinga siya ngayon. Ikaw kaya lumaban na tapos sugatan ka pa, syempre mapapagod ka. Bakit ka ba umalis Asha? Kapag nahanap namin tong babae na to tatanungin ko talaga.
Nung hindi ko siya makita ay umupo muna ako sa mga benches dito, ang laki kasi ng field at nakakapagod libutin. Ang init naman, tumulo tuloy yung pawis ko. Pinunasan ko yung pawis ko at tumayo para pumunta sa canteen, bibili ako ng tubig ang init na kasi. May tubig naman ako sa bag pero nakakpagod nang umakyat, bibili nalang ako mas malapit naman kasi ang canteen. Pagkarating ko sa canteen ay wala na dito sila Nik, mukhang umalis na siguro.
Hindi din naman masyadong marami ang mga student na nandito, kakatapos lang kasi ng recess. Mas okay na din to dahil hindi ako makapag focus kapag nakatingin sakin lahat ng mga babae, dapat kasi pogi lagi hahhaha. Pagkapasok ko sa canteen ay kukuha na sana ako ng pera sa bulsa ko, pero hindi ko naramdaman yung wallet ko. Para akong tanga na kumakapa sa mga bulsa ko, naalala ko tuloy na nagmamadali pala ako kaninang umaga.
'Tama nandon pala sa sasakyan, naiwan ko!'
Napakamot tuloy ako sa ulo ko, ang tanga ko naman bibili ako tapos wala akong pera. Alam kong pwede naman akong kumuha at mamaya nalang mag bayad. Pero ayoko nun para akong may utang, tapos ayoko din gamitin ang pagiging Elizar ko. Napagusap din namin to nila Nik, gusto namin lowkey lang kami kahit alam na halos ng lahat. Hindi namin gusto ipakita na nakakataas kami sa iba, gusto lang namin na kapatay ang turing sa lahat samin. Pero dahil sa pagiging gwapo namin, mukhang hindi maiiwasan.
Paano ba to? Nauuhaw na ako. Napatingin ako sa labas, sige na nga bahala na. Kukunin ko nalang ang wallet ko hindi ko kasing kayang hintayin sila Nik, time is gold nga diba?! Tsaka papayag naman ang guard na lalabas ako, tatanungin ko nalang din kung naasan siya kanina. Kung may nagbantay lang sana! Hindi ito mangyayari samin ni Asha, pero ewan ko baka may rason pala yung guard.
"Sir" tawag ko sa guard
"Ah opo sir Ash" sagot ng guard sakin.
"May itatanong lang po sana ako"
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
RomanceAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...