CHAPTER 72

52 4 5
                                    

Asha's POV

Papunta na kami sa canteen ngayon for lunch, hindi naman nila napansin na may kakaiba sakin dahil tahimik naman talaga ako lagi. Pero di ko inaasahan na biglang susulot si Dan sa likod namin kaya bigla akong napalayo. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng takot.

"Asha sorry! nagulat ba kita?" si Dan at lumapit sakin.

Mas lalo akong kinabahan dahil papalapit siya sakin nag fa-flashback sa utak ko ang nangyari kagabi. Kaya umiwas ako agad ng tingin at umunang pumasok sa canteen.

"Hala ka tol ginulat mo"

"Patay ka galit si Asha"

"Sulpot ka kasi ng sulpot"

"Ay hindi ako galit, pasensya Dan" sabi ko kaagad dahil pinagtutulungan siya.

Yumuko nalang ako para hindi nila ako bigyan pansin, pero kinukulit ako ni Harley na kumain nadaw.

"Asha kumain kana oh"

"Hindi pa ako gutom Harley"

"May problema ba?" tanong niya

"Wala naman" mabilis kong sagot

"Bakit ayaw mong kumain?"

"Busog pa ako eh" excuse ko pero sa totoo lang kanina pa akong umaga walang kain, pinapahirapan ko sarili ko.

"Paano ka mabubusog eh hindi ka nga nag snacks"

Hindi din kasi ako sumama sakanila kanina bumaba papunta canteen, sabi ko tinatamad ako. Mabuti naman at hindi sila naging makukit, pero ngayon dahil lunch time na mahirap mag dahilan.

"Kumain ako kanina, may baon ako" pagsisinungaling ko

Pero ilang minuta ay may tumunog sa harapan ko na parang may inilagay na plato kasi tumunog yung kutsara at tinidor, pero diko ito pinansin at pumukit lang uli.

"Asha binilhan na kita, kumain kana"

SIYA?!

"Distorbo ka" sabi ko

"Sige na bago ka lang gumaling sa sakit mo baka balikan ka" seryoso niyang sabi

"Hindi yan"

"Sige ka finals week ngayon hindi ka makakapun-"

Agad kong nalaman ang ibig niyang iparating kaya agad akong napatingin sakanya, mabuti lang at di niya ito sinabi. ANO?! AKO BABALIK SA BAHAY NIYA?!

"Okay ka pala" pagiiba ko

"Yep, still taking meds thou kaya ikaw kumain kana"

"Oo na"

Ewan ko lang talaga bat ako napapasunod ni Ash, minus points to Asha. Kumain nalang ako at hindi pinansin ang pagkagulat nilang lahat sa table. Para bang kahapon ay galit na galit kami sa isat isa at ngayon ay concerned na.

Mahina lang akong kumain at parang wala pa ngang gana, di ko namalayan na ako nalang pala anh hinihintay nila. Ako kaya lagi nauuna at ngayon ay ako na ang hinihintay.

"Asha" tawag ni Ash sakin

"Hm?" sabi ko at tumingin sakanya

"Masama ba pakiramdam mo?" tanong niya at kitang kita talaga ang pagaalala niya.

"Hindi naman" totoo yon! hindi naman talaga masama pakiramdam ko.

"Bat hindi ka pa tapos? parang hindi mo nga kinain binili ko"

"May iniisip lang, bibilisan ko" kaya ayun pinilit ko ang sarili kong ubusin yon, sayang din pera ni Ash.

Harley's POV

Napapansin ko talagang hindi okay si Asha, kitang kita naman kasi talaga. Pero laking pasalamat ko na nakikinig siya kay Ash, biruin mo yon? yung aso at pusa dati ngayon ay nakikinig na sa isat isa.

Wala dito si Khristine sa table namin, nandoon siya sa mga kaibigan niya. Naiinis nga ako dahil mas mabuti pa si Asha na tanong niya if okay naba si Ash. Hindi nga lang siya nag sorry na hindi niya ito binigyan ng oras at alagaan. Pero di nalang ako nag co-comment love life naman nila yon.

Habang hinihintay namin si Asha matapos ay nag usap nalang muna kami, kahit ano ano nalang ang napagisipan namin topic.

"Oi try kaya naming mag training sainyo Harley" sabi ni Dan

"Oo nga nu!"

"Pagkatapos ay sa amin naman, tapos kila Hershel" si Nik

"Masaya yun!"

"Maganda yan ah" sabi ko

"Set natin, pagkatapos ng exams" si Ash

"Deal!"

"Payag ako jan!"

"Excited tuloy ako mag exam"

"HAHAHAHAHA" Tawa namin kay Joshua kahit alam kong kinakabahan na yan ngayon kahit malayo pa.

"Tapos na ako" Matamlay na sabi ni Asha at pilit ngumiti nung tiningnan siya ni Ash

'OMG MASAMA TO PERO SHIP ACKKK'

"Tara baka ma late tayo" una ng tumayo si Asha at patuloy lang lumakad. Nung makalabas na kami sa canteen ay medyo malayo na si Asha kaya lumapit ako kay Ash.

"Oi Ash"

"Yes?"

"Pa favor naman oh"

"Tungkol saan?"

"Kay Asha" napatingin naman agad siya sakin "Ano yun?"

"Uhm.. alam kong ako yung matagal na niyang kaibigan pero, pwede bang bantayan mo siya? nakikinig kasi siya sayo eh"

Timingin siya kay Asha na nasa harapan namin na medyo malayo na, ngumit naman siya at sinabing "Sure, I will keep an eye on her"

"Talaga?! Salamt Ash! ililibre kita!"

"Hahahaha, no need balak ko naman talaga yon"

WHAT?! "Ano?!"

"Wala sabi ko, my eyes are on Asha Zein" sabi niya at humabol kay Asha

"Pansin kong nagiging okay na yung dalawa" si Geo

"Dapat lang nu! Pinoprotektahan kaya ni Asha shokoy niyo" sabi ko

"Ok na din tong ganito, okay na sila"

"Kumpleto na tayo sa mga gala natin!" si Hershel

"Pero nakakainis pa din yang jowa ni Ash" sabi ko

"Bakit?" si Geo

"Eh kasi naman tinggnan mo wala lagi, parang hindi sila mag jowa nyang kaibigan mo"

"Busy kasi" si Nik

"Saan siya busy ha? same lang kami ng section. Tingnan mo kami hindi kami busy"

Natigil ang usapan namin dahil biglang dumating si Khristine, himala di na ba siya busy?

"Hi! Saan si Ashy ko?" cheerful pa nga

"Ayun Khristine" turo ni Geo kila Ash at Asha

Hindi naman siya nagalit, ngumiti lang siya at nagpasalamat kay Geo at pumunta don sa jowa niya. Pero tumalon siyang yumakap kay Ash sa likod kaya na our of balance si Ash at nabunggo ito si Asha. Dahil hindi yon inaasahan ay muntik ng matumba si Asha at kami lahat sa likod ay napatakbo. Pero hindi natumba si Asha dahil hinawakan naman agad siya ni Ash sa kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon