Ash Reigo's POV
Nakakapagod mag aral!
Tapos na last subject kaya nag ligpit na ako nang gamit ko "tara na" sigaw ko sa mga kaibigan ko.
Pumunta kami sa room ni Khristine para sunduin siya, mag date kaya kami ngayon? Hehehe sige. Napaka sweet ko talaga. Pagkarating namin sa labas nang kanyang room ay kinawayan ko siya, napansin niya naman agad kaya nagmadaling inayos ang kanyang gamit.
"Hi babe" salubong ko sakanya at kinuha ang kanyang bag
Ngumisi naman siya sakin "hello pogi"
Habang naglalakad kami papunta sa quadrangle ay napansin namin ang pagtitipon nang mga estudyante. Lumapit kami para makita kung ano ang kanilang tinitingnan, nanlaki ang aking mata nang makita kong si Asha at may mga babae sa kanyang harap! Sila ang pinag guguluhan nang lahat!
"Ano? Hindi ka magsasalita ngayon ha?" Si Louissa
"Natatakot na guro bee" natatawang sabi ni Maurice kaibigan ni Louissa
"Dapat lang nu!" Si Sam ang isa pa nilang kaibigan
"Loko to ah" dinig kong sabi ni Geo pupunta na sana siya kay Asha pero hinawakan siya ni Nik "wag kang sasali basta away babae" napatigil naman si Geo at halatang nag alala.
Pero kay Asha ay parang wala lang siyang narinig, ngumisi lang siya nang loko sa tatlo at bumalik sa paglalaro sa kanyang cellphone. Agad namang kinuha ni Louissa ang cellphone sa kanyang kamay, inaasar nila. Sinasabi na kunin ang cellphone sa kamay niya. Tumayo naman si Asha pero tinaas ni Louissa ang kanyang kamay kung nasaan hawak niya ang cp. Medyo mas mataas si Louissa kaya hindi maabot ni Asha.
"Akin na" seryosong sabi ni Asha
"Ano ka special? Kunin mo oi ulol" at nagtawanan naman ang mga estudyante sa paligid
Tumingin si Asha sa kanyang relo at mukhang naiinip na. "Bigay mo na nagmamadali ako"
"Nag effort akong kunin to kaya mag effort ka din nu!" Maarteng pagkasabi.
Inilahad ni Asha ang kanyang kamay "akin na"
Nagtawanan lang ang tatlo at mas lalong nainip si Asha.
"Aray!" Hindi namin inasahan na bigla niyang sipain ang kamay ni Louissa na nakaangat dahilan para mabitawan niya ang cp at sinalo naman ni Asha. Naka sport shorts naman siya dahilan 'siguro' para hindi siya nag dawalang isip sumipa.
"Oh shet" namanghang sabi ni nik pumalakpak pa
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
RomanceAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...