Asha Jaye's POV
Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong na ako nang aking baby Cooper "hi baby coperper" malambing na sabi ko. Hindi ko siya napansin kanina umaga, Cooper is my shihtzu doggo na binigay ni Mommy saken. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko if wala si Cooper, nanjan siya palagi if may problema ako. He became my emotional support dog.
"Kumain kana?" Si Ate Chloe
"Hm yes as always" sagot ko. Tumango lang siya ay bumalik sa kanyang ginagawa.
Umakyat na ako sa kwarto ko sumunod naman si Cooper. Nag shower na ako agad dahil pagod na pagod ako, gusto ko nang matulog. Pagkatapos nag bihis lang ako nang pajamas at humiga sa kama. Nakatulala akong tiningnan ang kisame, napaisip ako sa mga bagay na hindi naman dapat iniisip sa ganito kong edad.
"Kamusta na kaya siya" bulong ko sa aking sarili.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa alarm ko kinabukasan, bumangon ako uminom nang tubig at nag stretching sadali. Naligo ako, nagsuot nang uniform, at bumaba para kumain. Nakita ko ang ate kong nag hahanda sa aming agahan.
"Lets eat na" si sister der
"Hm"
Umupo ako sa kanyang harap at nagsimula na akong kumuha nang pagkain. Kaunting rice lang, na excite din ako kasi may tocino favorite ko.
"Kamusta first day"
"Okay lang nandun naman ni Harley" sagot ko at kumain
"Sabihin mo lang sakin kapag may nangyari nanaman ha?" Concern naol
"I will" tipid kong sagot
Pagkatapos kong kumain ay uminom ako nang tubig at nilagyan nang dog food si Cooper at tubig. Pagkatapos nag paalam na ako at pumunta sa school.
Pagkatapos kong iparada ang aking motor ay bumukas ang pinto nang kotse na nasa aking tabi. Tiningnan ko kung sino yun at sinalubong ako nang ngiti ni Geo.
"Sabay na tayo pumasok" pag-aanyaya niya
Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Nag isip muna ako, wala naman gurong malisya? Hindi na kasi ako sanay "Sige" pumayag nalang ako dahil mabait naman ang pakitungo niya sakin kahapon.
Habang naglalakad kami papunta sa HS building ay dinapuan ako nang masasamang tingin nang mga babae at nag bubulungan sila.
"Grabe diba bago yan siya bakit kasabay niya si Geo my labs" dinig kong sabi sa isang babae
"Oo nga feel na feel hindi bagay"
"Landi"
"Pa as if yan siyang tomboy para ma barkada ang mga gwapo dito sa school"
Tch. Tomboy? Wtf? Wala akong balak agawin ang mga palaka niyo.
Anong meron kung magbabarkada ako nang lakaki? Eh mas comportable ako sa kanila, hindi peke, walang plastik. May mga nakaibigan naman akong mga babae pero hindi gaano kami ka close, si Harley lang talaga ang nag tagal sakin.
"Wag mo lang pansinin" si Geo
"Ang ano?" Tiningnan ko siya
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
RomanceAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...