Ash's POV
Lintek to sila! Bakit ba kasi ang atat nila sa Asha na yun? Anong meron kung nagkasakit siya? Nasa bahay naman nila siya ah kaya okay na yun. Kailangan pa talaga puntahan? At aabsent pa talaga sila para sa babaeng yun! Hindi nga namin yun kaibigan!
"Tara na" si Nik
"Pupunta talaga kayo?" Tanong ko sakanila, nandito pa rin kami sa canteen pero kanina pa nag bell. Pumunta na din si Khristine kanina sa kanilang room.
"Pupunta kami, ikaw?" Si Nik
"Hindi nu!"
"Bat nandito ka pa?" Si Dan
"Aba malamang mga kaibigan ko kayo at nandito kayo"
"Pupunta kami kay AJ? Sasama ka ba?" Tanong ni Geo sakin
Lintek na talaga! Bakit ba kasi kailangan puntahan yun? Grabe konting sakit pupuntahan agad.
"Bakit ba kasi pupuntahan niyo?"
"May sakit nga yung tao" si Nik
"Alam ko pero bakit niyo pupuntahan? Hindi naman natin yun kaibigan"
"Kaya nga pupuntahan namin para makuha namin ang tiwala ni AJ" si Geo
Pesteng tiwala na yan
"Ano bayan mas importante ba yan keysa sa pag aaral niyo?"
"Ngayon lang naman" sabi ni Dan
Wtf? Seryoso? Tiningnan ko silang tatlo nang seryoso at tiningnan kong nag bibiro ba sila. Pero seryoso lang silang tumingin sakin... Akala ko ba nagbibiro lang to!
"Seriously?" Seryoso kong tanong
At sabay silang tumango
Ay ewan ko sa mga buhay niyo!
"Sorry mga tol, pero hindi ako sasama" sabi ko
"Okay lang"
"Alam naman namin"
"Ikaw na bahala sa excuse namin"
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
RomanceAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...